Chapter Thirteen

1K 16 0
                                    


      NAKA-TULALA lang sa kawalan si Xyrus nang maabutan siya ng pinsan sa opisina nito sa Coitus Agency. He was day dreaming about his first sex with Rayanne the other day. Napaka-special ng gabing iyon dahil si Rayanne ang unang virgin niyang naka-siping mula nang mamulat siya sa kamundohan.

Hindi kasi niya hilig na makipag-talik sa birhen dahil madami silang habol kapag siya ang naka-una. He doesn't want the woman to be clingy to him just because he got their virginity. Mabuti nga si Rayanne ay hindi ganoong klaseng babae. Normal pa din kasi ang trato nito sa kanya nang magising sila kinabukasan.

"Pumunta ka ba dito para tumulala?" kuha ni Edryl sa attention niya. "Ano bang meron?"

"Wala. Masama bang bisitahin ka?"

"Hindi, pero masama kung bibisitahin mo ko para tumanga ka lang diyan," napa-iling ito.

"I'll be gone for a week, Ed," aniya at malaking ngumiti. "I'm planning to treat Rayanne to a vacation. Tsaka 'di ba sabi mo mag-out of town ako?"

"Seryoso ka na ba kay Rayanne?" tanong nito sa kanya.

"We're friends with benefits, okay? Huwag ka ngang issue diyan."

"Masyado ka kasing masaya pag kasama mo siya."

He chuckled. "Of course I will be happy. Ikaw ba naman bigyan ng bagong thrill sa sex life mo, eh."

"Sana ma-in love ka na para naman sumaya ka na habang buhay," ngumiti ito sa kanya. "I highly recommend Rayanne for you my cousin. Papakawalan mo pa ba ang isang magandang dilag gayong nasa iyo na siya?"

Hindi naman siya agad naka-sagot. Xyrus thinks that he's still not yet ready to enter a relationship. Masaya siya kay Rayanne at sobrang natutuwa siya sa mga binibigay nito sa kanya. Pero sapat na bang dahilan iyon para umpisahan niya ang bagong commitment?

"It will take time, Ed. Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba? Thirty one pa lang ako 'no, kayang-kaya ko pa gumawa ng limang Montenegro," biro niya sa pinsan. "Masyado ka naman nagmamadali eh, buti nga naka-move on na ako."

"Yes. Binabati kita dahil nagawa mo na iyon," ngumiti ito sa kanya. "Remember that I will be the first person to be happy for you, Xyrus."

"Thanks mom," puno ng sarkasmo niyang sagot na kinatawa ng pinsan. Kahit kailan talaga ay napaka-bait ni Edryl. Kahit na madami itong pagkukulang sa buhay ay naging mabuting tao pa din ito at hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago. Kaya mas naging close niya ito kesa sa pinsan niyang si Saturn.

Mula pagkabata kasi ay si Edryl na ang kalaro niya dahil sa amerika nakatira si Saturn. Hindi niya din ito nakasundo nang umuwi ito sa Pilipinas dahil masyado itong mayabang at palaaway. Si Edryl naman ang taga-awat nila noong bata sila.

"Saang probinsya mo ba dadalhin si Rayanne?"

"Balak ko sa Batanes."

"Pwede din para naman madalaw mo din si Sera."

"Oo, namimiss ko na din siya," mas lumawak ang ngiti niya bago tumayo sa kinauupuan. "Aalis na ko. Bukas na bukas din ay pupunta kami doon."

"Sige, ingat."

Xyrus was feeling excited as he drive to Rayanne's office that night. Susunduin kasi niya 'to dahil inaya niya ang dalaga na kumain ng dinner sa labas. Pagdating sa labas ng opisina nito ay bumaba siya ng sasakyan para antayin ang dalaga. Ilang saglit lang ay nakita niya itong palabas ng building.

Napalunok siya nang matitigan ang katawan nito. She was wearing a black sheath dress and a white flats. Naka-sabit naman ang coat nito sa kaliwang braso kung saan hawak din nito ang bag. Xyrus could imagine him stripping off that sexy dress from Rayanne. He would slowly unzip her dress as he run his lips through the skin of her jaw and neck. Tapos ay tsaka niya iikot ang dalaga patalikod sa kanya at papatuwarin ito.

COITUS AGENCYWhere stories live. Discover now