Chapter Twenty Five

710 8 0
                                    


     MAGIISANG BUWAN na si Rayanne sa puder ng magulang niya. Medyo maayos naman na ang pakiramdam niya kaso lang ay hindi pa din niya maiwasang hindi maalala ang binata lalo na pag nagiisa siya. Miss na miss niya na 'to at pakiramdam niya isang taon niya nang hindi nakikita ang binata.

Kasalukuyan siyang naglalakad-lakad sa ubasan ngayon para magpahangin. Naiinip na siya sa loob ng bahay nila dahil wala naman siyang makausap doon. Busy ang ama niya sa winery nila samantalang ang ina naman ang nagaasikaso sa ubasan.

"Rayanne!"

Napalingon siya sa baritonong boses na tumawag sa kanya. Napa-ngiti siya ng makilalang si Philip na kababata niya ang tumawag sa kanya. "Pipoy!"

"Uy, namiss kita!" nang makalapit ito ay niyakap siya ng lalaki. "And stop calling me Pipoy. Malapit na ko mag-thirty ayan pa din ang tawag mo sa'kin."

"Ano naman? Tayo lang naman ang nandito," sagot niya at kumalas ng yakap dito. "Kumusta ka na? Parang lumaki ang katawan mo ha."

Philip flexed his arms. "Tamo 'yan? Pinaghirapan ko 'yang muscles na 'yan," saad nito at tinaas ang t-shirt niya para ipakita ang pantay niyang abs. "Puwede mo hawakan."

"Sira!" tumawa siya. Sa isip-isip ay mas maganda pa ang katawan ni Xyrus kesa sa kababata. Sa alaalang iyon ay napabuntong hininga siya.

"Buti naman ay nakabalik ka na ng La Union."

"I just missed my parents."

"Miss nga ba? Kuwento ng tatay mo broken ka daw," sagot nito na kina-simangot niya. Kahit kailan talaga ay madaldal ang ama niya. "You can tell me about it."

"Wala iyon."

"Kung ako na lang kasi pinatulan mo edi sana may limang anak na tayo," pangaasar nito.

Pabirong hinampas ni Rayanne ang braso nito. "Huwag ako, Philip. Alam ko tipo mo sa babae. Bet mo iyong mga mabait 'di ba?"

"Mabait pero nangangagat sa kama," sagot pa nito at sabay silang natawa. Kahit na palagi silang pina-pares ng magulang nila ay hindi nila makuhang gustuhin ang isa't-isa. Maybe because they know each other that well. Alam nila na hindi nila tipo ang isa't-isa.

"May tanong ako," pagiiba niya ng usapan. Naupo naman sila sa kubo na nasa gitna ng ubasan.

"Ano sikreto ng guwapo?"

"Hindi!" umikot ang mata niya na kinatawa ng lalaki. "Gusto ko lang malaman kung anong gagawin mo pag..."

"Pag?"

"Pag nakita mo yung girlfriend mo na may kasamang lalaki sa kama at pareho silang walang damit."

"Lintik lang ang walang ganti. Pati itlog ng lalaki may kanti," napa-ngiti siya sa sinabi ni Philip. "Seriously though, I will never forgive them. Hindi lang yung lalaki ang mapatay ko, baka dalawa sila."

"Parang line sa isang movie 'yan?"

Malakas na tumawa ang lalaki. "I just watched No Other Woman last night that's why."

"Sabi na eh," napa-iling siya. "Pero mabalik tayo. Makikipag-hiwalay ka ba sa girlfriend mo pag nangyari iyon?"

"Hmm, tatanungin ko muna kung bakit niya ginawa 'yon. I will analyze the situation before I come up with my conclusion. Hindi matatapos ng maayos ang isang bagay kung basta ka na lang magde-desisyon ng hindi napaguusapan ng mabuti. Magkakasakitan lang kayo," anito na kinatahamik niya. "Bakit? Tinatarantado ka 'no?"

COITUS AGENCYWhere stories live. Discover now