Chapter Twenty Six

826 14 2
                                    


  "JUST ACT like I'm your boyfriend," naka-ngiting bulong ni Philip kay Rayanne habang magkaakbay silang naglalakad sa farm. Na-kuwento nito na trabahador sa farm nila ang babaeng nagugustuhan at kahit anong landi ni Philip ay ayaw umamin ng babae na may gusto ito sa kababata niya.

"Ang corny naman kasi ng ganito," napa-ikot ang mata niya. "Hindi kapani-paniwalang girlfriend mo ko."

"Maging sweet ka naman kasi," reklamo pa nito.

"Sorry ha."

"There she comes!" bulong nito. "Ah, babe! Grabe ang sarap ng ginawa natin kanina sa kubo!"

"Gagu!" pigil ang tawang bulong niya. "Oo nga babe. Ang galing mo talaga."

"Ako pa ba? Anything for my beautiful girl," may pagkindat pa ito sa kanya bago nilingon ang babaeng nakatingin sa kanila. "Hi Grace."

"M-magandang hapon senyorito," anito at napatingin sa kanya. Ngumiti naman siya sa babae.

"Girlfriend ko pala si Rayanne. Siguro kilala mo siya 'no? Anak siya ni tito Ron."

"O-opo," napayuko ito. "Mauna na po ako sa inyo," bago pa man makapagsalita si Philip ay umalis na ang dalaga. Napabitaw naman ito sa kanya na kinatawa niya.

"Hindi effective," pangaasar pa niya. "Sorry. Isip ka pa ibang diskarte."

"You're not helping."

"Why? Do you like her?"

"Oo," parang batang nagdabog ito. "Kahit na maging against the world ang love story namin, ayos lang. Gusto ko siya eh ang kaso lang nilalayuan niya ko dahil sa status namin."

"Maybe you should tell her you like her."

"I did, okay? Tingin mo ba hindi na 'yon ginawa? Hindi niya ko pinaniwalaan, Rayanne!"

"Eh mas lalong hindi ka na niya papaniwalaan ngayon lalo na't pinakilala mo kong girlfriend," napa-iling siya. Magaling nga mag-advice ang kaibigan ang kaso lang ay hindi ito marunong dumiskarte pagdating sa sariling love life.

"Damn it!"

"Halika umuwi na tayo. Magpapaalam pa ko kanila Papa na babalik akong maynila."

"Fine."

"Don't worry, magiging ayos din kayo."

"I hope so," umakbay ito sa kanya. "Daan tayo ng plaza mamaya. Meron silang tinitindang mango graham shake na masarap."

"Okay. Libre mo?"

"Ang daya mo pero sige," nagtawanan sila.

Saktong paglingon ni Rayanne ay napatigil siya sa paglalakad nang makilala ang lalaking nasa daanan nila. Napa-awang siya ng labi dahil hindi siya makapaniwalang nakikita niya si Xyrus sa harap niya. Her eyes suddenly filled with tears but she stopped it from falling. Napakuyom siya ng kamao nang dahan-dahan lumakad ang binata palapit sa kanya.

"X-Xyrus..."

"Rayanne," lalapitan sana siya nito nang humarang si Philip.

"Sino ka?"

"Rayanne, let's talk. Baby please?" anas nito. Halata sa mukha ang pangungulila sa kanya. Namumula ang ilalim ng mata nito senyales na naiiyak na din ito.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya ay mahihimatay siya pag tinitigan niya ang mata ng binata. She missed him so bad at konti na lang ay tatakbo na siya palapit sa binata para yakapin ito.

COITUS AGENCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon