[4] ANG BAGUHAN

556K 12.9K 2.8K
                                    

                                                               ******

 “Hi! Mukhang bago ka sa class na to.”

Napalingon si Alex sa kaliwang katabing upuan. Nakangiti sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng makapal na salamin, hanggang tenga ang buhok, payat at may kaitiman.

 “Oo, kaka-transfer ko lang. Galing ako ng UP Baguio,” malugod na sagot niya.

“By the way, I’m Grace,” pakilala ng babae.

“Ako naman si Maya, Grace.”

Lingid sa kaalaman ng dalawang babae, lihim na nakikinig si Blake sa kanilang pag-uusap. Puno pa rin ito ng pagtataka kung bakit bigla na lang sumulpot sa klase nila ang pakialamera.

“Ready ka na ba sa exam ngayon?” tanong ni Grace.

Napatanga si Alex.

“E-Exam? Anong exam?!”

“Exam natin dito sa Philo, midterms na di ba?” kaswal na sagot ni Grace.

Mutink ng pagpawisan si Alex sa narinig. “Ahhhhh. Exam, oo naman alam kong may exam!” kunway nakangiting sabi niya habang pasimpleng yumuyuko upang ilapit ang bibig sa suot na mic. "Ehem...ehem..exam.."

“Copy Inspector. Pakicheck ng bag mo. May lamang isang ballpen yan na may kamera. I-focus mo lang sa mga tanong para mabasa ko.”

Nagmamadaling binuksan niya ang bag at hinanap ang tinutukoy na ballpen ng kasamahan. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang meron nga.

Dumating ang Professor.

“Class prepare your bluebooks now,” bungad agad nito, hindi pa man nakakaupo.

Muli siyang nataranta.

“Bluebook ehem..”

“Inspector ang Bluebook ay ang ginagamit sa UP na answering paper during examinations. Meron na rin dyan sa bag mo.”

Hinalukay ulit niya ang bag. Nang makita ang isang manipis at mistulang asul na notebook, saka lamang siya muling huminahon.

Pinasa ng propesor ang examination paper. Sinimulan niya itong sagutan habang maya't mayang napapakagat sa labi, napapapunas sa kanyang noo at napapakutkot ng mga kuko sa daliri. Kunwa'y binabasa niya nang malakas ang mga tanong na hindi niya malinaw na nakukuha ang mga sagot mula sa lihim na kausap.

Napapalingon at napapailing naman si Blake sa kakaibang kilos ng katabi. Nginingitian naman siya ng babae sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin.

Nagtayuan ang mga estudyante at isa-isang ang mga itong lumabas ng classroom pagkatapos mai-submit ng kani-kanilang bluebook. Nalito na naman si Alex sa susunod niyang gagawin pagkatapos maibigay ang sariling exam. Binalikan niya si Grace.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon