[43] I WILL REMEMBER YOU

554K 13.3K 2.7K
                                    

                                      ****

“Hindi na ba magbabago ang isip mo? I’m worried to death Alex,” tugon ni James habang hinahatid pabalik ng hospital si Alex.

Ngumisi si Alex. “Akala ko ba maprinsipyo kang tao? Kelan ka pa natutong mamersonal pagdating sa trabaho?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang kwestiyonableng pagtanggal ni James sa pangalan niya sa listahan ng mga makakasama sa operasyon.

“I’m sorry… I did it because I thought I might die worrying about you. Especially in this one...hindi ako makakasama dito Alex.”

“Alam ko. Engangement party yan ng kapatid mo. Natural lang na mas unahin mo ang pamilya mo….At dati pa namang hindi ka sumasama sa operasyon ah kaya’t anong inaalala mo? Iba ang linya mo James at iba rin ang linya ko kaya sana sa susunod huwag mong panghimasukan ang responsibilidad ko sa trabahong ito.”

“I’m sorry Alex. I know I made a mistake…But aren’t you going to attend the birthday party of Blake? That person is important to you, isn’t he?”

 “Mas may importanteng tao para sa akin ngayon,” direkta at seryosong sagot ng dalaga.

“Alex please change your mind. Just stick to your duty of guarding Blake Monteverde. Don’t take a risk on this one,” kumbinsi pa rin ni James.

Tiningnan ni Alex ang kausap. “Bago ka pa man lumipat sa departamento namin ay ganito na ang buhay ko James. Alam mong ito ang ang buhay ko bilang pulis. At kung magkakaganyan ka sa bawat operasyong susuungin ko… ay mas mabuting itigil mo na ang panliligaw mo,” matigas na sabi niya.

Natigilan si James at agad niyang itinabi ang sasakyan. “Please don’t misunderstood. Natural lamang sa parte ko na mag-alala sa kaligtasan mo.”

Humugot ng isang malaim na buntong-hininga si Alex at tumingin ng diretso sa labas ng sasakyan. “Itigil mo na ang panliligaw mo James… Mahihirapan at masasaktan ka lang nang dahil sa akin. Ayokong nagkakaganito ka. Hindi ka ganitong uri ng pulis at hindi ka rin ganitong uri ng kaibigan. Kapag ipinagpatuloy natin ang ganitong sitwasyon ay pareho tayong hindi magiging komportable sa trabaho natin.”

Napayuko at napahawak sa noo si James.  “A-are you rejecting me because I care for you, Alex?”

“Oo…alam kong nasasaktan ka dahil sa pag-aalalang iyan. Kaibigan kita at mahalaga ka sa akin. Ayokong masira ang pagsasama natin dahil sa isang bagay na hindi ko kayang maibigay sayo. I’m sorry James…pero ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay ang ibalik ang dating pagmamahal ko sa trabaho at wala ng iba pa… Ayoko munang bigya ng atensyon ang anumang bagay na may kinalaman sa puso…I’m sorry.”

Hindi agad nakasagot ang binata. Mula sa pagkakayuko ay ibinaling nito ang mga paningin sa labas ng bintana ng kotse.

“I know you’re being like this… because you’re hurting right now. I can feel it. You can reject me as many times as you want… but that won’t stop me from loving you Alex.”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon