[38] CHANCE TO BET

441K 11.3K 2.2K
                                    

                            *****

“Lolo can I come in?” bungad ni Blake habang nakahawak sa door knob ng nakaumang na pinto ng personal office ni Don Henry.

May kausap na tauhan ang matanda subalit pagkakita sa apo ay agad nitong pinutol ang pakikipag-usap.

“Sure, come in iho.”

Pumasok si Blake ngunit hinintay niya munang makalabas ang empleyado bago magsalita. Naupo siya sa isa sa mga silyang nakaharap sa table ni Don Henry. “Lolo, I’ll be turning nineteen next month and as I promised to you, I want to have my-”

Hindi pinatapos ni Don Henry ang sasabihin ng apo. Nakuha agad niya kung ano ang patutunguhan ng pag-uusap nila. “Where’s Alex?”

Napakibit ng mga balikat si Blake.“I don’t know. Maybe she’s in her room,” Nagkata siya sa biglaang paghahanap ng lolo sa kanyang bodyguard.

“Call her. Tell her I want her here,” madiing utos nito.

“B-But grandpa, I want to talk to you about an important matter privately,”tutol niya.

“No. I want her here first. Call her!”

 Nagtaas na ng boses ang lolo kaya wala siyang magagawa kundi sundin ito.Tinawagan niya sa telepono si Alex.

 “Come to my grandpa’s office now,” iritableng sabi niya.

Hinintay nilang maglolo ang babae. At ilang saglit lang ay bumungad na sa pinto si Alex.

“Magandang araw po Don Henry.”

“Come inside Alex. Sit there.”

Tahimik na pumasok ng opisina si Alex at naupo sa itinurong sofa ng matanda. Nagkatinginan sila ni Blake at agad niyang napansin ang magkasalubong na mga kilay nito.

 “Start talking Blake.”

 Nagulat si Blake sa sinabi ng lolo. “But Lolo don’t you wanna finish first your business with Alex. Kayo na muna ang mag-usap.”

 “I’ll talk to her later. Now tell me what you wanna say.”

 “I can’t talk to you about it if she’s listening.”

 Tumayo si Alex. “Sige po Don Henry. Babalik na lang po ako mukhang may pag-uusapan pa kayong importante.”

 “No! Just sit down there. I want you to listen to everything,” matigas n autos ng matanda.

 Bumalik sa kinauupuan niya ang dalaga at mas lalong nagulat naman si Blake sa ikinikilos ng lolo.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon