[29] IT'S NOT OVER

451K 12K 1.4K
                                    

                                    ****

Headquarters. Pagkatapos ng naganap na engkuwentro laban sa mga miyembro ng venomus, dinala diretso ng mga pulis si Blake sa opisina ng hepe. Dali-daling napasugod naman doon si Don Henry. Samantala, sinadya ni Alex na iwasan ang maglolo. Pagkarating niya sa headquarters ay diretso kaagad siya sa interrogation room.

Kaharap ni Alex ang isa sa mga tinuturong leader ng nahuling grupo. Nakaupo ito sa isang silya habang nasa likuran ang nakaposas na mga kamay. Nakatayo naman sa labas ng nasabing silid si James at pormal na pinanonood ang pagtatanong sa isang one way mirror na bintana.

Pabalik-balik na naglalakad ng tuwid si Alex sa harap ng suspect habang nagtatanong. Matapang ang mukha. Madiin magsalita. At may nakakahiwang mga mata.

 “Anong pangalan mo?”

 “Mario Librada.”

 “Ilang taon ka na?”

 “Bente-otso.”

 “Taga-saan ka?”

 “Negros occidental.”

 “May asawa ka na ba?”

 “Meron.”

“Anak?”

“Dalawa.”

“Ano ang pangalan ng sindikatong kinabibilangan mo?”

Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin lamang ito sa sahig.

“Kelan ka pa naging miyembro ng sindikato?”

Hindi pa rin sumagot ang lalaki. Nagsimulang mangalit ang mga panga ng dalaga.

“ Ano ang pakay niyo kay Blake Monteverde?”

Ilang sandaling naghintay ng sagot si Alex ngunit nanatiling tahimik lamang ang taong tinatanong. Unti-unti na siyang napipikon. Binigyan niya pa ito ng mga ilang katanungan tungkol sa sindikato ngunit wala pa rin siyang nahitang sagot hanggang sa hindi na siya nakapagpigil. Lumapit siya’t walang pag-aalinlangang sinuntok ito sa mukha.

 “PAG TINATANONG KA, SUMAGOT KA!”

Dumugo ang bibig ng lalaki sa lakas ng suntok. Dumura ito’t pagkuway nakangising tumingin sa dalagang pulis. “Kahit pitpitin niyo ang dila ko. Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin.”

Sinuntok ulit ni Alex ang lalaki. Kinuwelyuhan niya ito’t itinutok ang ngingisi-ngisi ngunit nanggigigil na mukha. “Sinong may sabing pipitpitin lang namin ang dila mo?! Kung kinakailangang ilibing ka namin ng buhay ay gagawin namin. Walang lugar ang awa sa amin para sa mga kagaya mong kriminal!”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon