[19] THREE IS A CROWD

588K 12.7K 2.4K
                                    

                                        *****

Araw ng fashion show ni Sophia. Nakahanda nang umalis ng bahay sina Blake at Alex para manood. At habang binabaybay nila ang daan papuntang garahe, biglang may naalala si Alex. Nilapitan niya si Blake at pinigilan sa paglalakad. Hinawakan niya ito sa braso at tinitigan ng seryoso.

“Blake, kinukutuban ako."

“W-What do you mean?” taking bigkas ng lalaki.

“Pa-pakiramdam ko may masamang mangyayari sayo…”

Unti-unting kinabahan si Blake at tinitigan din niya ang babae. “W-why? What do you think is going to happen?”

“Sa-sa tingin ko may malaking eksenang magaganap…”

Mas lalong nadagdagan ang kaba niya. “A-Anong eksena? W-what are you talking about?”

“B-Blake sa tingin ko….magpapang-abot ngayong gabi sina Sophia at Marianne kaya kailangan mo itong paghandaan.”

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Blake. Hindi alam kung matatawa o masisigawan ang babae. Gigil na tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang braso.

“Seriously Maya, pwede ba paminsan-minsan naman bawas-bawasan mo yang stupidity mo. You almost gave me a heart attack just to hear that nonsense from you!”

Ipinagpatuloy niya ang mabilis na paglalakad ngunit hinabol pa rin siya ng babae.

“Anong nonsense?! Huwag mong maliitin ang instinct ko dahil kung gaano kataas ang percentage ng tama ko sa shooting range ganun din kadalas magkatotoo ang kutob ko kaya dapat muna tayong magplano kung paano mo ito haharapin mamaya.”

“Just shut up Maya! That’s not gonna happen, okay?” Inis na ibinato niya dito ang susi ng kotse.

Kahit nagmamaneho na, hindi pa rin tinigilan ni Alex ang kasama. “Eh papano pag nangyari? Anong gagawin mo?”

“It’s none of your concern. Just drive baka ma-late pa tayo.”

Pansamantalang tumahimik ang dalaga ngunit hindi pa man lumilipas ang ilang minuto, muli itong humirit. “Hindi nga Blake. Paano pala kung mag-away sa harapan mo si Sophia at Marianne, sino sa kanilang dalawa ang kakampihan mo?”

Binigyan ni Blake ng matatalim na tingin ang makulit na babae. “Hindi ka ba titigil?”

Agad na itinikom ni Alex ang bibig pero ngingiti-ngiti pa ring sinusulyapan niya si Blake hanggang sa hindi na naman siya nakatiis. “Pero Blake pag nangyari yun. Siguraduhin mong si Sophia ang pipiliin mo ha? Kasi si Marianne naman ay halos nandyan lang sa tabi mo at tanggap ang sitwasyon mo sa ngayon. Si Sophia kasi pag nasaktan ng sobra yun baka iwanan ka na lang nang hindi mo pa narerealize kung sino ba talaga ang mas mahal mo sa dalawa.”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon