[15] IKAW SI SUPERGIRL

600K 13.4K 2.4K
                                    

                                                       ******

Sabado. Schedule ng date ni Blake at Sophia. Nasa tabing kalsada si Alex at nag-aabang ng taxi bitibit ang isang bungkos ng mga bulaklak. Pinabili muna siya ng lalaki ng bulaklak bago sila umalis ng bahay upang sunduin ang girlfriend nito.

 “EEEE! Yung bag ko! Ibalik mo yan!”

Napalingon siya sa tumiling estudyanteg noon ay nag-aabang din ng masasakyan. Pagkuway nakita niya ang isang binatilyo na kumakaripas ng takbo bitbit ang isang handbag. Mabilis na nilapitan niya ang estudyante at iniabot dito ang kanyang bitbit.

“Miss, hawakan mo muna to.”

Naguguluhan ngunit walang reklamong tinanggap ng estudyante ang mga bulaklak pagkatapos ay walang pag-aalinlangang hinabol ni Alex ang snatcher. Kumaripas siya ng takbo subalit mabilis ding tumakbo ang magnanakaw at lalo pa nitong binilisan nang malamang hinahabol niya ito. Natantiya niyang mahihirapan siyang maabutan ito kaya mabilis na dumampot siya ng isang gakamaong bato at saka muling nakipaghabulan.

Pumasok ang lalaki sa isang eskinita. Sinundan niya pa rin ito at nang bahagyang nakakalapit na siya, malakas na inihagis niya dito ang hawak na bato. Sapul sa paa ang snatcher at kaagad itong nadapa. Itinodo niya ang bilis ng pagtakbo hanggang sa maabutan niya ang magnanakaw bago pa man ito makabangon.

“Walanghiya ka! Pinagod mo ako. Akin na yang bag na yan," hinihingal na wika niya habang napapahawak sa kanyang mga tuhod.

Inilahad niya ang kanyang kanang palad at hinintay na kusang iabot sa kanya ng binatilyo ang bag. Subalit mabilis na tumayo ang magnanakaw at ngumisi.

“Miss, ang lakas ng loob mong makialam ha. Mukhang naghahanap ka ng kamatayan!" sabay dukot nito ng patalim at tutok sa kanya.

Ngumisi din lamang siya. “Ibigay mo na yan. Kapag pinahirapan mo pa ako ay kulungan ang bagsak mo ngayong araw din na ito.”

Itinapon ng lalaki ang bag sa gilid ng eskinita at walang pasabing nanugod ng kutsilyo. Mabilis namang nakaiwas si Alex. Ilang beses siyang sinubukang patamaan ng patalim ngunit mabilis siyang nakakailag hanggang sa nasipa niya ang kamay ng lalaki at nabitawan nito ang kutsilyo.

“Sinabi nang huwag mo na akong papagurin! Yaaaaaa!”

Sumipa ng paikot ang babae at pinadapo ang paa sa mukha ng kalaban. Natumba ang lalaki kasabay ng pagtilamsik ng dugo mula sa bibig nito. Nang humandusay ito sa lupa, bigla itong nagtaka at napanganga sa lakas ng dalaga.

Iritableng iniilabas ni Alex ang kanyang tsapa at ipinakita ito sa snatcher habang pinandidilatan ito ng mga mata.

“Ano? Gusto mong bitbitin kita sa presinto ngayon din?!” 

Nagulat ang lalaki. Mabilis na itinukod nito ang mga siko at kumilos papaatras sa dalaga. Nagkunwaring bubunot ng baril si Alex mula sa suot na leather jacket. Natatarantang tumayo ang magnanakaw at kumaripas ito ng takbo. Natatawang hinabol na lamang ito ng tingin ng dalagang pulis.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon