[32] I SURRENDER

520K 11.7K 2.7K
                                    

                             *****

Nagbalik sa normal ang kilos ni Blake. Simula nang maihinga ang saloobin ay mas lalo na siyang naging bukas sa  pagpapakita ng totoong nararamdaman niya para kay Alex.

 “Where are we going? Hindi ito ang daan papuntang bahay?” tanong niya sa nagmamanehong dalaga habang papauwi sila mula UP.

 “May pupuntahan tayong dinner,” sagot ni Alex habang nakatingin ito sa daan.

 “Wala akong maalalang may appoinment akong dinner. Are you going to treat me?” nagtatakang sabi niya.

 Hindi sumagot si Alex at ipinagpatuloy lamang ang tahimik na pagmamaneho.

Maya’t mayang sinusulyapan ni Blake ang katabi. Sa kabila ng lahat ng mga inamin dito, ni hindi niya man lamang ito nakitaan ng senyales na naapektuhan o naantig man lang sa mga sinabi niya. Kung tutuusin ay tila naging malamig pa ang pakikitungo nito sa kanya. Pero hindi ito importante. Wala siyang inaasahang kapalit mula sa babae. Ang manatili lamang ito sa tabi niya kahit bilang bodyguard ay sapat na para sa kanya.

Pagdating sa restaurant ay pinauna siyang bumaba ni Alex.

“Blake mauna ka nang pumasok sa loob. May tatawagan lang ako sa headquarters.”

“Sabay na tayo. I’ll wait for you until you’re done talking.”

“Hindi pwede. Confidential ang pag-uusapan namin. Pumasok ka na sa loob doon mo na lang ako hintayin.”

Napilitang sumunod si Blake. Lumabas siya ng sasakyan at mahinahong naglakad papasok ng restaurant. Paghawak niya sa glassdoor ay natigilan siya sa natanaw. Si Marianne. Mag-isa itong nakaupo sa mesa at halatang may hinihintay.

 Agad niyang nakuha ang sitwasyon. Bumalik siya sa sasakyan at nakitang wala namang kausap sa telepono ang kasama.

“Ano tong ginagawa mo Alex?” salubong ng mga kilay na tanong niya.

“Makipag-ayos ka na kay Marianne,” malamig ngunit madiing bigkas nito.

Bigla siyang napikong sa narinig ngunit pinigilan niya ang damdamin.  “You don’t have to do this. Ako ang magdedesisyon tungkol sa bagay na ito.”

 “Kung hindi ko to gagawin, pwede ko bang itanong kung kelan mo balak ayusin ang problema niyo ng girlfriend mo?”

 “Alex she’s not my girlfriend anymore. I broke up with her.”

 “Bakit? Dahil idinamay mo siya sa galit mo sa akin di ba?” nakataas ang kilay na sumbat ng babae.

 “No. Not only that. I told you that I-”

Hindi pinatapos ni Alex ang sasabihin ng lalaki. Iniwasan niyang marinig ang mga susunod na mga salitang lalabas sa bibig nito.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon