[17] DATE CRASHER

483K 12.4K 2.4K
                                    

                                      ****

Nakaupo sa hood ng kotse si Alex habang naghihintay sa labas ng restaurant kung saan nagdidinner sina Blake at Sophia. Nakakaramdam na rin siya ng gutom. Iginala niya ang mga mata habang hinihimas-himas ang tiyan. Marami pang ibang mga restaurant sa paligid. Natutukso siyang sumaglit muna sa isa sa mga ito upang kumain ng mabilisan ngunit nag-aalala siya na baka bigla siyang hanapin ni Blake.

 “MAYA COME HERE!”

Lumingon siya kay Blake na noon ay nakatayo sa pintuan ng restaurant. Sinesenyasan siya nitong pumasok sa loob. Unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha. Walang pagdadalawang-isip at dali-dali siyang lumapit. Subalit bago tuluyang makapasok sa restaurant, bigla siyang napakunot ng noo. Naninibago siya sa pag-aaya ng lalaki. Ito ang unang pagkakataong hindi siya nito paghihintayin sa labas.

 “Teka…bakit mo ako niyayaya sa loob?”

 “I realized that maybe you’re hungry too.”

Nagdududang tinitigan niya sa mga mata si Blake. “Pakakainin mo ako? Ililibre mo ako?”

 “Do I have a choice? Unless you have money now then you can pay your own bill.”

“Baka naman ginogoodtime mo lang ako tapos pagdating sa loob, paghihintayin mo lang pala ako. Kilala kita. Mahilig kang mag-isip ng bagong style ng pang-aasar.”

“Ang dami mong sinasabi! Kung ayaw mong pumasok di huwag!”

 Iritableng bumalik si Blake sa loob ngunit sumunod din naman sa kanya ang babae.

“Teka sasama ako gutom na rin ako! Gusto ko lang makasiguradong seryoso ka.” 

Pagkapasok nila sa loob ay agad na kumaway si Sophia kay Alex. 

“Hi Maya!”

 “Hi!”

Naupo sa tabi ni Sophia si Blake. Samantalang kusa namang naupo sa katabing bakanteng table si Alex.

 “Maya why are you sitting there?” puna ng lalaki.

“Huh? Bakit saan ba ako uupo? Kailangan ba mas malayo pa?” sabay tayo ng dalaga para lumipat sa medyo malayo-layo pang table.

“Just sit in our table!” Inginuso ni Blake ang bakanteng upuan sa tapat niya.

Natigilan si Alex at kunot noong tumingin sa lalaki. “Anong sabi mo? Pinauupo mo ako sa table niyo? Huwag mo akong bibiruin Blake pag ganitong gutom ako, mabilis akong maniwala.”

“It’s okay Maya. You can join our table," nakangiti’t malumanay na wika ni Sophia.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon