Prologue

10.1K 233 46
                                    

"Tala paki kuha ung order sa table 7." sigaw ng manager namin.

"Opo" agad din akong pumunta sa table no. 7 para kunin yung order niya.

Bago pako makarating sa table nila medyo nagulat pa ako kung dito ba talaga siya dapat pumunta kase para siyang mayaman-ay hindi mayaman talaga na naligaw sa coffee shop na to.

Ang ganda niya kaso sobrang seryoso ng mukha niya, mukha siyang bad girl pero mukha namang inosente kase may dala siyang libro. Nakakainggit yung ganda niya. Para siyang living Goddess sa ganda niya. Pansin ko din na dark brown yung kulay ng mata niya, kulay black yung buhok niya tapos nakalugay at mahaba ang buhok niya. All black yung suot niya tapos naka denim jacket na black tapos naka croptop siya at talagang litaw yung pusod niya, naka maong na short siya at talagang bagay na bagay sakaniya tapos pag ako yung nag suot ng ganyan di bagay pero siya nadadala niya ng maayos.

Bago pako mawalan ng trabaho lumapit na'ko sakaniya.

"Good morning ma'am---"

"There's no good in morning" malamig niyang sabi tyaka niya binaba yung librong binabasa niya.

Maganda nga mukha namang maldita, wala rin pala sayang ung pag puri ko sakaniya kanina. Tinignan niya ako at para akong pinasukan ng lamig sa katawan nung mag tana ung mata namin.

"May I take your order ma'am?" Tanong ko ng hindi pinansin ung sinabi niya kanina at nag iwas din ako ng tingin kase hindi ko matagalan mga titig niya.

"Black coffee, no Sugar" napakunot ung noo ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ang pait nun eh.

"Sigurado po-"

"Yes, now go. You're disturbing my peaceful atmosphere" ang lamig ng boses niya at halatang ayaw niya ung presensya ko.

"Yun lang po?" Tanong ko.

"And I don't want you to serve my order" aba talagang..

Itapon ko kaya sakaniya ung kape na inorder niya ng uminit init siya? Ang aga aga pinapainit niya ulo ko.

Bago pako may magawang krimen umalis nako dun at sinabi ung order niya.

"Oh anong problema mo?" Tanong ni Leah na katrabaho ko "Ang aga aga mainit na ulo mo" natatawang sabi niya.

"Paano kaya ganyan ung ugali nun porket maganda eh" sabi ko "Isang Black coffee kuno tas walang sugar" sabi ko at tinignan ulet ung pwesto nung yelong un.

"Wait, kay Kalli to no?" Napakunot nan ung noo ko sa sinabi ni Leah kaya hinarap ko siya.

"Kalli? Sino yun?" Tanong ko.

"Myghad girl, Si Kallista Leigh Evans yan. She's super sikat" parang batang nakita ung idol niya eh.

"Oh? Sikat yan? Bakit hindi ko kilala?" Napasimangot siya sa tanong ko.

"Duh, lahat ng tao kilala yan mapababae man lalaki" sabi niya pa.

"Ahh baka hindi ako tao" sabi ko tyaka ako natawa nung nainis siya saken.

"Oh ayan" sabi niya at binigaw ung coffee na inorder nung yelong un.

"Bakit ako?" Tanong ko na kinataas ng kilay niya.

"Trabaho mo yan Tala" sabi niya.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon