Chapter 6: Stress

2.4K 133 6
                                    

5 years ago

Tala Amara's POV

"Girl, we've been looking for you" bungad sakin ni Willa kalabas ng restroom.

Hindi pa ako nakakapag salita nung bigla niya akong hinala agad, narinig ko pang tinawag ako ni Rhya pero hindi na ako nakalingon kase itong si Willa kung makahila parang hinahabol eh.

"Willa teka lang" pigil ko sakaniya nung makita ko yung dalawa sa cafeteria.

Hindi ako nag dalawang isip na lapitan sila at walang ano ano'y kinuha ko yung juice ni Manyak at tinapon kay Yelo. Napatayo siya at masama pa yung tingin saken.

"That's for earlier!" Sigaw ko.

"How da—" bago pa matapos ni Manyak ang sasabihin niya isang malakas na sampal ang sinalubong ko sakaniya katayo niya sa harap ko.

"Isa ka pa!" Galit kong sabi sakaniya. Napahawak siya sa pisngi niya dahil sa lakas ng sampal ko.

Galit itong napatingin saken at susugod sana pero hinarangan siya ni Yelo kaya napatingin ako sakaniya.

"Who do you think you are?" Malamig niyang tanong.

"Ako? Ako lang naman yung babaeng hindi kayo uurungan. Kung sa tingin niyo natatakot niyo ang iba sa pambubully niyo pwes ibahin niyo ako!" Sigaw ko sa mukha niya.

"You don't have to shout, stupid" hindi ko alam kung hanggang saan ko ba mapipigilan sarili ko na wag sapakin to.

Scholarship ko ang nakasalalay dito kaya dapat mag dahan dahan parin ako sa actions ko.

"Ano bang pakealam mo?!" Inis kong sigaw.

Hahampasin na sana niya ako ng biglang may kamay na humarang sa kamay niya.

"Don't you dare Kalli" napatingin ako sa babaeng nasa harap ko.

Si Noelle. Di ko alam kung kinikilig ba ako ngayon o abnormal lang talaga mga bulati ko sa tiyan.

"Are you really on her side? Look what she just did!" May gigil sa tono ng pananalita niya pero yung boses niya ang lamig parin talaga.

"She won't do such a thing if hindi niyo sinimulan" seryosong sabi ni Noelle sakaniya.

Nag titigan sila ng ilang segundo bago napunta yung tingin saken ni Yelo.

"You'll pay" malamig niyang sabi at kinuha yung bag sabay alis.

"Di pa tayo tapos" sabi ni Manyak at sumunod kay Yelo.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

"Hindi mo na dapat ginawa yun" napatingin ako kay Noelle.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon