Chapter 4: Four Deity

3.4K 167 10
                                    

Tala Amara's POV

Natapos ung klase ko ng morning ng hindi mapakali kase sa lahat ng pinasukan kong subject sa morning na to, nandun ung apat. Hindi naman ako aware na iisa lang ung sched namin.

"Tala" napapikit ako ko nung marinig kong tawagin ako ni Rhya.

Hindi pwede, hangga't maari lalayo ako kay Manyak feel ko kase gagantihan niya ako katapos ko siyang sampalin eh.

"Tala, teka lang" tawag ulet ni Rhya saken.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad kunyare hindi ko siya naririnig hanggang maramdan akong kamay na humawak sa balikat ko kaya napatingin nako sakaniya.

"Rhya" kunwaring nagulat pako na nakita ko siya.

"How come you didn't tell me na dito ka nag aaral?" Tanong niya saken.

Napatingin ako sa tatlong dyosa sa likod niya na nakatingin din saken. Tinignan kk ulet si Rhya.

"Ahh h-hindi pako nakatanggap ng email nun eh" sabi ko at napakati pa sa may batok ko.

"Scholar ka dito?" Napatingin ako kay Noelle at tumango.

"Ahh o-oo" nahihiyang sagot ko.

"How come you two know her?" Tanong ni Manyak.

"Oo nga Noelle, bakit kilala mo siya?" Tanong ni Rhya sakaniya.

"Remember the day I told you guys na may nahuli akong mag nanakaw?" Nakukunig lang si Yelo habang ung dalawa tumango "Nag kataon na siya ung ninakawan" biglang natawa si Manyak.

"Mahirap kana nananakawan kapa?" Natatawang tanong niya.

"Maeve" may bantang tawag sakaniya ni Noelle kaya nanahimik siya pero nag pipigil parin siya ng tawa.

"Cheap" bulong ni Yelo.

"Kalli" gaya ng tawag niya kay Manyak may banta din.

"Sabay ka samin mag lunch" napatingin ako kay Rhya.

Nakuha ng atensyon ko ung mga nasa paligid namin na nag bubulungan. Parang pinag uusapan nila ako.

"Ahhh h-hindi na" sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Uyy friend, nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap" takang napatingin ako sa isang babae tapos may sinesenyas siya pero hindi ko maintindihan kaya hinila nalang niya ako.

Napatingin ako sa apat, si Rhya parang batang nanakawan ng kendi habang si Noelle naman nakangiti lang saken tapos ung isa nakangisi tas ung isa walang emosyon ung mukha blanko lang.

Nag pahila nalang ako dito sa babaeng hindi ko kilala, alam ko siya ung katabi ko kanina eh.

Nakapunta kami sa cafeteria at pinaupo niya ako tyaka siya umupo sa harap ko.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now