Chapter 9: Fiance

2.5K 143 18
                                    

Tala Amara's POV

Sunday ngayon, hindi ako nakapag simba kase napuyat ako kagabi. Ang dami kaseng pinapagawa nung isang teacher namin, akala mo naman major subject eh.

Dahil wala din nan akong pasok ngayon tyaka bukas dahil holiday daw bukas. Wala din akong work bukas kase 'di ko alam. Ayaw akong papasukin ni tito eh.

Anong gagawin ko dito? Nakakainip naman, yung mga kapatid ko naman tulog pa. Puntahan ko nalang ata si Ate. Matagal ko na din siyang hindi nakikita mula nung umalis sila dito pero alam ko nandun siya sa bahay nila dito.

Musta na kaya 'yong pinsan kong 'yon. Makapag jogging nga hanggang sa kanila, hindi naman malayo eh. Nag bihis na ako at lumabas na ng kwarto ko. Sakto naman na nakita ko si Amaro.

"Amaro, paki bantay saglit si ate ha?" Sabi ko sa kapatid ko na nanunuod habang kumakain. Nag luto siya ng champorado para saamin.

Kaya kagising ko wala na akong gagawin kase ginawa na niya lahat.

"Aalis ka ate? Saan punta?" Tanong niya.

"Dadalawin ko lang pinsan natin." Sabi ko naman.

"Sakto, hinahanap ka ni ate. Kakagaling ko lang sakanila kahapon eh." Napatango naman ako sakaniya.

"Miss na niya ako." Napailing ako at tinignan ko si Amaro na hindi na mapinta yung mukha niya kaya natawa ako. "O'sya, babalik din ako agad. Bantayan mo muna si ate at ang kapatid mo ha? Pakanin mo na din si lolo." Bilin ko sakaniya.

"Yes naman ate." Napangiti ako sakaniya.

Nag simula na akong mag jogging papunta sa villa nila, buti pwede akong pumasok sa villa nila. Makalipas ang ilang minuto nakarating na din ako sa villa nila.

Nakita naman ako ni kuyang guard kaya binati ko siya, agad din niya akong pinapasok.

Habang nag lalakad hindi ko maiwasan na mamangha. Sobrang ganda kase ng bahay nila tapos ang laki.

Hindi ko alam bakit ang yaman ng mga kamag-anak ko samantalang kami hindi. Pero mag papakayaman talaga ako at ipapagamot ko si ate.

"Talaaaa!" Napatingin ako sa direksyon nung sumigaw. Napangiti naman ako at sinalubong siya ng ngiti.

Nag open arms ako para yakapin yung tumatakbo papalapit saakin pero nung makalapit siya at salubungin ako ng yakap dun kami natumba dahil na out of balance ako.

"Aray!" Daing ko sa sakit habang siya tawa lang ng tawa. Nakakatawa? Edi wow.

Tinulugan niya akong makatayo nung tumayo siya.

"I'm glad to see you! I missed you so much!" Niyakap niya ako ulet.

Namiss ko din tong pinsan ko na to. Nakakainis.

"Are you here na ba to take ate's offer?" Tanong niya nung kahiwalay niya saakin.

"Hindi, ayaw ko." Napasimangot siya. "Dumalaw lang talaga ako dito." Sabi ko sakaniya.

Pumasok kami sa loob ng bahay nila, grabe ang laki talaga ng bahay nila.

"Ehh? Ilang taon ka na naming kinukulit eh." Sabi niya. "Pati sila mommy, bakit ba kase ayaw mo?" Paulit ulit naman kami dito.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now