Chapter 13: Campus Princess

2K 128 20
                                    

Tala Amara's POV

Nagsimula 'yong intrams kahapon kaya pangalawang araw na ngayon kaya wala parin kaming ginagawa. Hindi na sana ako papasok pero attendance is a must kuno.

Dapat pala sumali na ako sa volleyball para naman hindi ako naiinip dito.

Kahapon kase nanunuod naman kami tyaka sumaglit lang din kami tapos umuwi na. Ngayon naman hindi ko mahagilap si Willa at Paige.

"Tala!" Anak ng, tinataguan ko nga silang apat eh.

Wala naman akong balak na taguan si Noelle pero kase pag hindi ko siya tinaguan matik lang na makikita ako ng tatlo.

Hindi ko naman problema si Yelo kase wala namang pakealam saakin 'yon kaya hindi niya ako hahanapin o lalapitan pag nag kita kami.

At ngayon naman etong si Manyak 'di ko alam kung bakit niya ako tinatawag.

"Talaaaaaaa!!" Tumalikod ako at nag tago sa mga nag kukumpulang mga tao.

"TALA AMARA MADRID!" Punyeta, sinigaw pa buong pangalan ko.

Nakashabu nanaman siguro 'to.

"Wait!" Wala na, nahuli na ako.

"Bakit ba kase?!" Inis kong tanong sakaniya.

"Huwag ka ngang mag inarte, 'di ka maganda." Ayy wow, ganda ka teh? Sabagay, maganda naman siya. Edi siya na maganda.

"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko.

"Help me." Napataas kilay ko.

"Saan?" Tanong ko.

"Ikaw mag dala ng water ko." Ginawa pa akong katulong ng animal.

"Ayoko nga." Sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako. Humarang siya sa harap ko kaya napataas ang isang kilay ko.

"Ano ba? Ayaw ko nga." Iritable kong sabi sakaniya.

"Please." Napairap ako at umiling. Marunong pala siyang mag please.

"Ayaw ko nga. Tabi nga." Tinulak ko siya paalis sa dinadaan-daanan ko. Harang harang kasi eh.

Hindi ko na siya nilingon kahit pa na tinatawag niya ako. Bahala siya diyan, ang dami kaseng alam. Gagawin pa ata niya akong katulong.

Dinala ako ng mga paa ko, nasa isang abandonadong building ako. Tinignan ko buong paligid. Napabayaan na nga talaga ng tuluyan 'tong building na 'to. May mga sira sirang upuan na nag kalat taps sobrang luma na din. Hindi na ganon kaayos 'yong pintura tapos may mga agiw at lumot na din sa gilid gilid.

Basag na ang mga bintana tapos may ilang pinto na sira dahil ata sa anay kase nagkanda lusaw lusaw na eh.

Tatlong floor lang 'tong building na 'to hindi gaya ng building namin na may six to eight floor ata o baka 10 hindi ko alam. Nakakalula din kase 'yong taas ng mga building kaya hindi ko tinitignan sa itaas.

Napakunot noo ko nung may marinig akong boses ng babae tapos parang nagsisigawa. Kahit medyo nakakatakot sa lugar na ito pumasok ako para tignan lang 'yon.

Nung paliko na ako napahinto ako kase don ko nakita ang hindi dapat makita. Agad akong nag tago sa likod ng pader.

Napatakip ako sa bibig ko kase naabutan kong sinampal niya si Yelo, oo si Yelo 'yon.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon