Chapter 14: Campus Sweetheart

2.3K 114 20
                                    

Tala Amara's POV

Dahil sa ginawa ni Manyak hindi tuloy ako ang nakapag luto. Hindi ko alam kung sinong nag luto pero hindi talaga ako.

"Ate, kain na po tayo." Siguro pang limang beses na aya na sa akin 'yan.

"Sinong nag luto?" Tanong ko.

"Si ate Maeve po, pag kaluto niya umuwi na din siya." Bakit siya nag luto? Wala naman akong sinabi na mag luto siya tsk.

Bumabawi ang loko.

Bumaba na ako para makakain, siraulo kase. Napakamanyak.

Pag umaga may nag hahatid kay Tarah at Amaro tapos may nag babantay naman kay lolo at Ate. 'Yon ang huling gustong gawin ni ate Ten na hindi ko talaga mahindian kase ipapatapon niya daw kami sa ilalim ng tulay pag tumangi pa ako. Nakapabrutal din talaga eh.

At dahil hindi ko na iniisip ang pag pasok nila, nauna na akomg umalis sakanila at hinabilis na sila kay Mang Ben. Siya 'yong driver nila dito. Sinabihan ko na din sila Aling Mirna na, alam ko naman na alam nila trabaho nila pero kase nakakahiya parin tyaka kailangan talaga na binabantayan si Lolo at ate. Kailangan mag gamot ni lolo every two hours at si ate naman laging kailangan din ng atensyon kaya hindi ko din maiwasan na hindi sabihan sila Aling Mirna.

Nag madali na akong pumasok, baka kase malate ako. Scholar nga lang ako dito tapos malalate pa ako.

Bago pa ako makadating sa loob natanaw ng mga mata ko si Rhya, nakaupo siya sa gilid ng kalsada tapos parang nag pupunas ng luha.

Lumapit ako sakaniya at medyo nagulat pa ako na may hawak siyang ibon sa isang kamay niya.

"Rhya?" Tawag ko sakaniya.

Nag angat siya ng ulo at pilit pinipigilan ang pag hikbi niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakaniya.

"I..I j-just—wahhhhhhhhh!!" Ayy jusko, lalong lumakas pag iyak niya.

Pinatahan ko siya, kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko mukha niya. Ang dungis na niyang tignan dahil sa luha niya.

"Ano bang nangyare?" Tanong ko.

"I—I killed h-her.." Napatingin ako sa hawak niya.

Humihinga pa pero may dugo sa may bandang pakpak. Kinuha ko sakaniya yon at tinignan kung saan 'yong sugat. Wala naman naman siyang sugat pero hindi ko alam kung saan galing 'yong dugo.

Tinignan ko 'yong paa niya at may pilay siya doon.

"Buhay pa siya, may pilay pa." Agad na lumapit si Rhya at tinignan 'yon.

Ang cute niyang tignan, para siyang batawang walang muwang sa mundo.

"Dalhin natin sa animal clinic." Hindi pa ako nakakasagot nung bigla niya akong hilain.

"Teka, baka malate ta—"

"It's sports fest, don't worry." Sabi niya habang hinahatak parin ako.

Ang aga ko pang bumangon kanina tapos haysss.. Sanang hindi na ako pumasok, ayaw kkng makita si Manyak.

Pumara siya ng taxi at agad na sumakay kami. Hindi ko alam kung may malapit na animal clinic kuno dito. Alam ko lang 'yong para sa aso at pusa eh.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now