Chapter 12: Ideal Girl

2.3K 122 20
                                    

Tala Amara's POV

Palakpakan at sigawan ng mga tao ang bumalot sa loob ng gym. Sobrang ingay at kanya-kanya din ang mga chinicheer nila. Ang lalakas ng mga hiyawan, may mga dala din silang banner.

"Geez, why did we even watch today? Ang daming tao." Tinignan ko si Willa na nag rereklamo nanaman.

"Ikaw nag ayang manuod eh." Sabi ko sakaniya.

"Mag lalaro kase si Ianna." Ianna? 'Yon ba 'yong babaeng lumapit sa akin before? 'Yong nag tanong sa akin kung gusto ko ba dawng sumali sa basketball girls ba o volleyball, ahh basta may ball.

"Siya ba 'yong captain ball?" Halos sumigaw na ako para lang marinig niya ako.

"Hindi, si Maeve 'yong captain ball nila." Nagulat ako sa sinabi niya.

Alam ko ka team din nila si Yelo at ineexpect ko na kung hindi si Ianna, si Yelo 'yong captain ball. Infairness, kahit manyak si Maeve naging captain ball pa.

"Tara dito." Hinila ako ni Willa palapit sa bench nila Yelo. Dun kami umupo sa may likod lang nila.

"You really came." Napairap ako sa sigaw ni Manyak sa akin. Ilang araw niya din kase akong kinukulit na manuod ng laban nila ngayon.

Hindi naman ako pumunta para sakaniya, pinilit lang ako ni Willa kaya ako nandito ngayon.

"Talaaa!" Nabaling ang atensyon ko sa dalawang taong palapit sa amin, may dala silang gatorade at chips.

"Maeve." Binato ni Noelle 'yong isang gatorade sakaniya tapos kay Yelo naman 'yong isa.

"Thank you so much!" Nag flying kiss pa si Manyak kay Noelle na kinangiwi ni Noelle kaya natawa ako sakaniya.

"Thanks." Apaka lamig talaga ng pag katao ng isang 'to eh.

"How are you?" Tanong ni Noelle sa akin. Actually isang linggo na din nakakalipas simula nung may nag post nga sa akin ng ganon.

Isang linggo na din akong nakakatanggap ng death threats. Nung araw na pinalipat ako ni ate Ten doon sa bahay nila, kinagabihan lang nun nabalitaan ko na may sumunog sa bahay namin.

Kaya ngayon bantay sarado kami sa bahay ni ate Ten at may mga bodyguards din kami, nalaman din kase niya na kung ano-anong mga death threats na din natanggap ko at paninira sa akin at sa pamilya ko.

"Okay naman ako." Sagot ko kay Noelle.

"Sorry about what happened to your house." Hindi naman siya 'yong may kasalanan.

"Ano ka ba, wala 'yon." Nginitian ko siya para hindi na niya isipin 'yon.

"But still, I'm sorry. Kung hindi dahil sa amin maybe that won't ha—"

"Shh, ano ba. Sabi na nga na wala 'yon. Hindi niyo naman kasalanan okay?" Tinap ko na din ang balikat niya para naman hindi siya makunsensya at sisihin ang sarili niya.

"Panuorin mo nalang mga kaibigan mo at i-cheer mo sila." Sabi ko at ngumiti.

Pinanuod ko na din silang mag laro at panay din ang tili ng mga tao sa paligid ko. I heard malakas 'tong mga kalaban nila eh.

Infairness 'di ako nainip sa panunuod sakanila pero naawa ako sa mga kalaban nila dahil sa tandem ni Yelo at Manyak. Walang nakakapigil sakanila kaya natatambakan nila mga kalaban.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now