Chapter 15: Ice Queen

2.7K 127 28
                                    

Tala Amara's POV

Last day na ng sports fest kuno, hindi pala intrams tawag dito.

Tamad na tamad akong nag lalakad ngayon sa hallway. Walang masyadong tao kase nasa gym sila at nanunuod ng laro. Alam ko basketball boys palang ang nakasalang tapos 'yong iba nasa soccer field at baseball. Hindi ko lang alam kung tapos na 'yung football, bowling, dart at billiard eh.

Pero alam ko talaga championship lahat ngayon kaya manifesting manalo kami laban sa ibang school pero baka sabihin bias porke dito ginawa lahat. Utak talaga ng mga tao eh, pag nanalo tanggapin nalang nila na mahihina pa sila.

Pero gusto kong sumali sa bowling hehe, nakakamiss kase. Matagal na 'yong last na nag bowling ako. Si Ate Ten kase ayaw na niya tapos si Keiti naman hindi niya gusto.

Bigla kong naalala may bowling area sa bahay ni ate Ten, ayain ko nga si Amaro minsan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may biglang humila sa akin. Hinatak niya ako papasok sa loob ng cubicle, sisigaw na sana ako pero hindi ko nagawa dahil bigla niya akong hinalikan.

Buong lakas ko siyang tinulak at sabay punas sa bibig ko. Nung mamukaan ko siya dun ko napagtanto na si Manyak pala 'to.

"Maeve? Gago ka ba?!" Galit kong sigaw sakaniya pero nginisian niya lang ako.

"What? I just missed you lips. It's soft and I like the taste—"

"Tumigil ka kundi sasapakin ko 'yang nguso mo!" Sigaw ko sakaniya.

"Chill, I just want to greet you a Good morning." Sabi niya habang nakataas pa ang mga kamay na para bang sumusuko.

"Ganon ka mag good morning? Hahatakin mo sa cr tapos hahalikan mo?!" Para kaming tanga na nag tatalo sa loob ng cubicle.

Mag sasalita pa sana ako pero may biglang pumasok. Sa sobrang taranta niya naitulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa bowl at walang sabi sabing umupo siya sa kandungan ko paharap sa akin.

"Ano ba—" tinakpan niya bibig ko at sinensyasan akong manahimik.

Nanahimik nalang din ako kase medyo na curious ako sa pinaguusapan nila.

"Kilala niyo ba 'yong transferee na nilalapitan nung apat?" Tanong ng isang may maarteng boses.

"Oo girl, that freak. She's so panget lang pero nakuha niya atensyon nung Deities huhu." Parang pang kargador naman boses non.

"Ang panget lang naman niya. Why does—" hindi ko na narinig ang sumunod nilang sabihin dahil kay Maevemanyak na bigla nalang akong hinalikan.

Napapikit ako ng ilang beses at gustuhin ko man siyang itulak hindi ko magawa dahil may mga tao sa labas at ayaw kong malaman nilang nandito 'tong damuhong 'to at kasama ako, oo ako na pinagchichismisan nila ngayon.

Nagsisimula palang uminit ulo ko sa mga pinagsasabi nila pero naudlot dahil sa gagong 'to.

Sinusubukan ko siyang itulak ng mahina para humiwalay siya sa akin pero malakas siya kesa sa akin. Nanghihina na din akong nanghihina dahil sa mga halik niya pero pilit kong nilalabanan dahil ayaw kong mag padala sa ginagawa niya.

Nung marinig kong lumabas na ang mga tao sa labas ng cubicle dun na ako nag kalakas ng loob na itulak siya palayo sa akin.

"Tarantado ka talaga!" Inis kong sabi sakaniya.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon