Chapter 8: Knowing you

2.3K 144 8
                                    

Tala Amara's POV

"Tala, hindi ka pa sasabay?" Tanong ni Willa, dinaanan niya kase ako dito sa room.

"Hindi, mauna ka na." Sabi ko habang inaayos 'yong gamit ko.

"Sure ka ba? Gabi na oh." Tinignan ko siya.

"Oo nga, sige na." Actually 7pm na at halos kakatapos lang ng practice namin.

May performance task kase kami sa isang subject and by group 'yon. Naisipan nila na mag banda nalang kami since sinabi naman ni ma'am na we can do whatever we want to do daw.

"Okay, ingat ka ha? i-chat mo ako pag nakauwi ka na." Napangiti ako.

"Oo na po nay." Natatawa kong sabi. Inirapan naman niya ako bago umalis.

Kailangan ko pa kaseng pumunta ng library, hanggang 8pm naman yun bukas. Need ko lang ibalik yung libro na hiniram ko kahapon.

Dapat talaga kanina ko pa to isasauli pero may biglaang practice eh kaya ayun.

"Tala, una na kami." Napatingin ako sa mga ka group ko.

"Sige, ingat kayo." Kinawayan ko na din sila at ganun din sila.

"Ikaw din." Sabi nung huling lumabas.

Saakin na din nila pinasara 'yong room kase ako din naman pinakahuling lumabas.

Habang nag lalakad ako may narinig akong tunog ng piano. Nag lakad ako papunta sa music room at hindi nga nakasara yung pinto kaya sumilip ako din.

Si Manyak pala, marunong pala siyang mag piano? Bakit kaya sikat na pinapatugtog sa piano yung river flows in you?

Ang galing niya, ngayon ko lang na pansin na maamo din pala yung mukha niya pag ganyan. Lagi kase siyang masungit tapos para pa siyang sinaniban ng manyakis eh.

Maya maya may isang lalaking lumapit sakaniya. Teka kung hindi ako nag kakamali, tatay niya 'yon.

Napatakip ako sa bibig ko nung makita ko kung paano niyang hilain si Manyak at sampalin ito.

"Ayusin mo ang buhay mo!" Sigaw ni Gov. "I'm doing everything to clean our goddamn name. Pero anong ginagawa mo?! Sinisira mo ang reputasyon ng pamilyang to!" Sigaw niya ulet.

"Why don't you just throw me away?! Tutal you don't treat me as your daughter naman eh!" Galit siya pero kitang kita ko na umiiyak na din siya.

"At talagang sumasagot kapa!" Napatago ako at tinakpan lalo ang bibig ko nung suntukin niya si Manyak.

Daing lang niya ang naririnig ko. Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko kaya walang ano anong lumapit ako sakanila.

"Tama na po." Pigil ko sa tatay niya kalapit na kalapit ko.

Humarang ako sa harap ni Manyak. Tinignan ko siya ang duguan na mukha niya. Anong klaseng tatay ba to? Binubugbog ang babae niyang anak.

"Huwag kang makialam dito." Seryosong sabi ng tatay niya. Bakit ba nandito pa sila sa school? Dis-oras na ng gabi eh.

"Hindi po sana ako makikialam kung hindi niyo po sana siya pinipisikal. Babae po ang anak niyo. Hindi po siya lalaki." Deretso lang akong nakatingin sakaniya.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now