Chapter 4

7.3K 114 42
                                    


Tahimik lang akong nakasakay sa sasakyan ni Professor Veinz. Kahit mabulok pa ang bibig ko, hindi ako magsasalita ng una.

Naguguluhan na talaga ako sa Propesor na 'to. Ang hirap niyang basahin.

Kaya habang nasa byahe, I opened my phone and typed a message to Mang Neri. I said na huwag nalang siyang pumunta dahil malapit na akong makauwi.

"Who are you texting? Did you give your number to that lame singer?"

Muntik ko nang mabitawan ang iPhone Pro max fully paid ko nang biglang nagsalita si Professor Veinz.

Was he trying to peek at my phone? Chismoso.

"What do you mean lame, Sir? Ang ganda nga ng boses ni Kenjie. Ang sarap kaya magka-jowa ng singer."

"Wala kang kinabukasan do'n. There's no stability in being a singer."

Lumukot ang mukha ko at tiningnan siya. Habang siya ay nakatuon lang sa daan.

"What's your point ba?"

He diverted his gaze at me. But he abruptly returned it to the road.

"What I am trying to say is, humanap ka ng lalaking may kinabukasan ka. Hindi lang basta may talent. You can marry a man like..."

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "Like what, Sir?"

"Like professors."

It made me stop. Is he making a move? But no. I don't want to assume.

Tumawa ako.

"Hard pass sa mga professors. They're just a bunch of jerks who always break women's heart."

"Bakit nasaktan ka na ba?"

"Oo. One of my profs broke my heart. Sinabi nga niya na hindi ako qualified for the competition eh. Imagine the pain that I've felt." sabi ko habang ang mata ay nasa daan.

Naramdaman kong humina ang takbo ng sasakyan. Then I saw on my peripheral vision that he looked at my direction.

Hilaw akong tumawa.

Bumalik na naman 'yong sakit.

"Is that the reason kaya hindi mo na ako pinapansin?" His voice was soft this time.

"Maybe?" I answered. "Well, it's no big deal kung hindi kita papansinin prof dahil studyante mo naman ako. Para namang ikakasakit mo 'yon kapag hindi kita papansinin. Ano tayo? Barkada?" sabi ko at tumawa nang mahina.

Umigting ang panga niya at humigpit ang kapit niya sa manibela. I could saw his muscles and veiny arms flexed.

"I'm sorry, Angelica." Doon ko lang narinig na mag-sorry si Professor Veinz. His voice was very sincere.

"Wala na 'yon. It's true naman na hindi ako qualified. Ipapahiya ko lang ang department natin."

Tiningnan niya ako gamit ang kanyang namumungay na mata.

"No. I just don't want you to show off your skin in that damn swimsuit competition."

Natigilan ako. Hindi niya ako pinasali dahil ayaw niyang makita na magsuot ako ng swimsuit?

"B-but why?" nalilito kong tanong.

Binalik niya na ang tingin sa daan.

"It's nothing." Pagkasabi niya no'n ay huminto na ang sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay namin. "We're here."

Pumasok na ako sa bahay namin na parang nakalutang sa ere. That Professor made me overthink. Umalis na siya nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now