Chapter 20

6.1K 138 36
                                    

"Iuwi mo na ako, Mr. Buenavista. Ano pa bang kailangan mo sa akin, ha?"

Wala na akong lakas pa. Alam kong gabi na at hindi ko na alam kung saan niya ako dinala. Ilang pakiusap na ang ginawa ko pero hindi niya pa rin ako pinakinggan.

"We need to talk, Angelica." sagot naman nito.

Natawa ako nang mapakla. "Talk? Ano pa bang pag-uusapan natin? Wala nang nag-uugnay sa atin, Veinz. Wala na."

Nakaupo ako sa kama. At hindi ko alam kung nasaan siya. Basta ang alam ko ay malapit lang siya sa akin dahil rinig ko ang hininga niya.

"Siguro nga wala na. Your bratness made me a fool before. Niloko mo ako. But I don't know why I keep coming back to you."

He sounded so sincere. Pero hindi ko naman talaga siya niloko. My feelings for him before was true. Minahal ko naman siya. Nasabi ko lang sa kanya iyon para hindi masyado masakit sa part ko na niloko rin niya ako.

Nasira ang buhay ko dahil sa kanya.

But in his last statement, my heart throbbed.

"Niloko mo rin naman ako, ah?" sabi ko.

Ngayon ay parang nahihiya ako. Wala namang dahilan para mahiya ako sa kalagayan ko pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. I feel.so insecure.

Baka nga siguro pinagtatawanan niya ako dahil bulag ako ngayon. Siguro iniisip niya na karma ko 'to.

Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko sa mga ideya na pumapasok sa isip ko.

"Gusto mo bang gumanti sa akin, ha? Can't you see my situation right now? I am miserable! Dapat magsaya ka na!" naiiyak na sigaw ko.

Sinubukan kong tumayo. Ngunit may kamay agad na humawak sa braso ko para alalayan ako.

"Be careful, baby." he worriedly said.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. How can he be so calm? Galit ako pero ang kalmado niya. Ramdam ko pa ang pag-aalala niya sa akin.

"Pinagtatawanan mo na ba ako sa kalagayan ko ngayon?"

I heard him tsked. "That's ridiculous. Why would I?"

"Kasi bulag ako!"

"Eh ano naman?" kontra niya.

I can't stand it anymore. What's his point? Siguro gusto niya lang bumalik sa akin para gantihan ako. I can still remember what he said last time. He said that I'd pay for what I did to him.

"Bitawan mo na ako. Please lang, Veinz Hansson. Doon ka nalang sa Professor Danilyn mo kasi bagay naman kayo."

Umalpas na naman ang galit sa dibdib ko. I loathe the both of them. Simula hanggang kuko hanggang sa bunbunan ko.

"She has nothing to do with this. Bakit naman siya napasama rito?"

I chuckled with no humor. "See? Pinagtatanggol mo pa! Niloko niyo nga ako noon diba?"

"I didn't. She kissed me and I pushed her, Angelica. Wala akong ginawa. Sadyang nakita mo lang kami sa ganoong posisyon. Hindi kita magagawang lokohin."

"Sinungaling. Noong nag cool-off nga tayo palagi kayong magkasama." sabi ko pa.

Hindi niya ako mapapaniwala sa simpleng ganyan niya.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Tila pagod na yata ito sa akin. Tama lang 'yan. Hindi ako madaling maniwala. What happened caused me a lot of trouble.

Galit na galit ako sa kanya.

"Let's sit down, Angelica. Para naman makapag-usap tayo nang maayos. After this, iuuwi na kita. Just hear me out." maayos na pakiusap niya.

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now