Chapter 18

6.3K 123 44
                                    

Days and weeks without Veinz were so freaking hard. I missed him so much. It was so hard without hearing his voice, receiving his messages and especially his touch and kisses.

Pero sa tuwing nangungulila ako sa kanya, iniisip ko nalang na para rin naman ito sa amin. After this, everything will be worth it. Magbubunga rin itong pagtitiis namin.

Malapit na akong mag-iisang buwan na nag-re-review. I won't until I received the title of Engineer Angelica Trinity Magalona.

Perfect pair na kami, hindi ba?

At saka ayaw ko naman isipin ng iba na I took advantage of Veinz. May puputok na naman na chismis na naging kami ni Veinz nang klase pa. Marami talagang magtataka na naging kami agad pagkatapos kong grumaduate.

Kung sa bagay, kataka-taka naman talaga.

We will just let the issue died down.

Habang kumakain ako, I opened my social media accounts. At nakita ko doon ang chat ni Jeanella. Tumawag na agad ito through video call.

"I know you're busy reviewing pero kita mo ba 'yong school forum natin? Break na ba kayo ni Professor Veinz?" bungad nito sa akin.

Nangunot ang noo ko sa lito. "Ano ba'ng sinasabi mong break ha? Nag cool off lang kami para makapag focus ako sa pagre-review. Mukha mo break." sabay irap sa kanya.

"Tingnan mo nalang sa school forum bakla. Baka magulat ka."

Nang pinatay niya na ang tawag agad kong tiningnan ang Campson University School Forum. Matagal na rin akong hindi nagche-check dito.

Most of the posts out there were about Veinz and Professor Danilyn. There were pictures taken on the school. Sabay silang naglalakad. Tapos may pictures din doon na nandoon sila sa restaurant at kumakain. Kung titingnan mo talaga, they have chemistry. They are an expensive couple to describe.

Bagay na bagay.

Aaminin ko, nagseselos ako doon. Parang may sumasakal sa puso ko habang tinitingnan ang mga pictures nila at mga comments ng iba about how good they are as a couple.

Pero gayunpaman, mas pinili kong paniwalaan si Veinz. Alam kong hindi niya magagawa sa akin iyon. May tiwala naman ako sa kanya. Gustohin ko man kontakin siya pero hindi pa pwede dahil nakapokus pa ako sa review ko.

Lumipas ang mga linggo at gano'n pa rin ang mga nakikita ko sa school forum. Mas lalo lang tumitindi dahil palagi na nga silang nakikitang magkasama. Sa mall, sa sinehan, at marami pang iba. Habang tumatagal nawawalan na ako ng tiwala kay Veinz.

Pero may maliit pa rin na pag-asa na baka mali ang iniisip ng iba. Ako ang girlfriend ni Veinz and I know he id faithful to me. Walang dahilan na magloko siya dahil mahal namin ang isa't isa.

Bukas ay talagang exam ko na. I readied everything that I need on my examination. Two days before the examination, natapos ko na ang review ko. Magkahalo ang kaba at excitement ko.

I am confident that tomorrow will be a good and biga day.

Matutulog na sana ako ngunit bigla nalang tumunog ang phone ko.

Medyo nagulat pa ako nang pangalan ni Veinz ang nasa caller's ID. Sa walang pag-aalinlangan ay sinagot ko ito.

Kaluskos ang bumungad sa akin.

"Dani, let's go home. You're drunk." boses iyon ni Veinz.

Nailayo ko sa taenga ko ang phone dahil sa rindi ng mga kaluskos. Parang aksidente lang na natawagan niya ako.

Narinig ko ang tawa ni Professor Danilyn.

I got alarmed when I found out that they were together at this night. Gabi na pero magkasama pa rin sila.

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now