Chapter 22

6.2K 104 34
                                    


"Let's eat, Angelica. Napatulog ko na si George sa taas." Veinz's announced.

He guided me on the way to the kitchen. Hawak niya ang balikat ko.

"Huwag mo akong hawakan. I can walk." sabi ko sa kanya. Panay hawak kasi ito sa balikat ko.

May tungkod naman ako.

"Baka mabangga ka." rason naman niya.

Bumuntong-hininga nalang ako dahil hindi naman ito nakikinig. Hanggang sa makaupo ay iginiya niya pa rin ako. Pinaghila niya pa ako ng upuan.

Narinig ko ang mga ingay ng plato at iba pang kubyertos. I could smell his perfume so I conclude he's near me.

"What are you doing?" nagtataka kong tanong.

"Ah, nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato mo." sabi niya. Halata sa boses niya na nasisiyahan siya sa ginagawa niya. "Kain na."

Nagkaroon na naman ng ibang reaksyon ang dibdib ko. I wished to be served by him but not to pleased me but to make him suffer. Gusto ko siyang pahirapan. Pero sa mga ginagawa niya, parang nanlalambot ako.

"What did you cook?" tanong ko.

Masarap ang pagkain nang isubo ko ito.

"Chicken adobo. Why? May masama ba sa luto ko? Hindi mo ba nagustuhan?" naguguluhan niyang tanong. He answered responsively and attentively.

Nilagay ko ang mga kubyertos sa plato. Tapos ay pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.

"I don't like it. It's not tasty."

"Masarap naman ah?" komento niya. Palagay ko'y tinikman niya ulit ang kanyang luto.

Masarap naman talaga. Ngunit gusto ko siyang pahirapan. I can't forget my plan.

"I prefer beef steak. I like beef steak Veinz."

"B-but..."

"Ayaw mo? Pwes, uuwi nalang kami ni George sa bahay." pananakot ko sa kanya.

"No.No.No. Hindi naman sa ayaw ko pero... It will took hours to cook. Pwede naman bukas natin ulamin 'yon."

"Edi sige. Bukas nalang ako kakain."

Bumuga muna ng malalim na hininga si Veinz bago pumayag. "Fine... Beef steak it is." nanghihina nitong sabi.

Nakaupo lang ako sa mesa habang naghihintay. Naririnig ko na ang mga ingay ng kubyertos at ang nga yapak niya. Nagluluto na nga siya. Para naman siyang hinahabol dahil kahit hindi ko makita ang ginagawa niya, alam kung nagmamadali siya. Minsan pa nga nahuhulog ang mga gamit sa sahig dahil  naglilikha ito ng mga ingay.

Maya-maya ay narinig ko si George na umiiyak.

Tatayo na sana ako para kunin si George sa taas ngunit pinigilan ako ni Veinz.

"Ako na. Delikado sayo na umakyat sa hagdan. Just stay here. Tatapusin ko lang ito sandali." hinihingal pa siya habang sinasabi iyon.

Hindi nalang ako sumagot at hinayaan nalang siya.

"Ouch! Fuck!"

Naalarma ako nang marinig ko ang daing ni Veinz.

"What happened?!" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"N-nothing. Napaso lang. Just stay here at kukunin ko na si George sa taas."

He was breathing heavily. Later on, I feel that he already left the kitchen and went upstairs to get our son. Base sa mga yapak niya, alam kong nagmamadali siyang tumakbo papunta sa taas.

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now