Chapter 15

7.6K 133 18
                                    


We explored the Paris like there was no tomorrow. We acted like a real couple and with no pretention. Kumain kami sa mamahaling restaurant dito sa Paris. Pumunta kami sa mga magagandang lugar na gusto kong puntahan.

Veinz really took care of everything.

Hindi nga ako gumastos ni isang piso. At ang mas malala, private plane nila ang sinakyan namin papunta rito.

I couldn't believe na after kong malasing,  dinala niya agad ako rito. Sinabi nga naman niya na aalis kami noong gabing iyon ngunit hindi ako pumayag dahil may club party kami. Ngunit dinala niya pa rin ako without me knowing.

Nagising nalang ako na nasa Paris kami.

"Do you like my graduation gift for you?" Veinz uttered while he was hugging me behind my back.

We were just watching the shining Effeil Tower surrounded by thousands of lights.

What a therapeutic view to be hold.

Couples and families were there too. The happiness and love were very evident on their eyes.

Paris is indeed a city of love.

"Hmm." I answered.

Iba rin naman kung magbigay ng gift ito si Veinz. Trip to Paris.

Pero habang tinitingnan ko ang kawalan,  bumalot ang lungkot sa loob. Bumalik sa akin na matatapos rin itong lahat. Dahil sa una palang ay wala naman talagang kami ni Veinz.

We're acting like a couple but we are not.

At ang mas masakit, nahuhulog na ako sa kanya. We can't stay like this forever.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at buong tapang kong hinarap si Veinz.

"What's wrong, baby?" he asked, confused upon seeing my upset face.

Malalim akong huminga.

"We should end this." sabi ko nang deritsahan sa kanya.

Bumukas ang gulat at lito sa mukha ni Veinz. Tila hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

"What are you talking about? Are you playing with me? You know, Angelica, ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong pinaglalaruan ako." mahaba niyang sabi.

"I'm not playing with you, Veinz—"

"Then why are you talking like that?!"

I could feel his frustration on his voice and face. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin.

My eyes started to water.

"Tell me, Angelica. Am I just one of your toys?" I saw his jaw clinched when he asked that.

"No." nanghihinang sagot ko.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at nagsimula na itong magbagsakan.

I looked at Veinz's face. "Ano nga ba talaga tayo? Naguguluhan ako, e."

My lips trembled when I asked that.

Hindi nakasagot si Veinz na nagpatawa sa akin nang hilaw.

"We can't stay like this, Veinz. Hindi ko alam kung ano nga ba ako sa buhay mo. You have a rule on me. You control me and I let you. But how about me? Nagdadalawang-isip pa ako kung may karapatan ba ako sayo. I feel jealous many times Veinz pero hindi ko masabi sayo. Gusto kitang sabihan na Veinz, huwag ganito, huwag ganyan... Gawin mo 'to, gawin mo 'yan..."

Pinahid ko ang luha ko at pinakatitigan siya sa mata.

"Pero nauunahan ako ng takot na baka... baka sumbatan mo ako na wala akong karapatan sayo."

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now