CHAPTER 13 "scared"

5.1K 64 0
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*




...

Ang bilis ng panahon magdadalawang linggo na buhat ng pumunta kami sa amusement park, wala pa ding nagbago dahil palagi pa din kaming sabay pumasok sinusuot ko na din pala ang mga binili namin. Nahihiya pa nga ako nung una kong suotin iyon kasi naman ang mahal talaga nito alam mo iyong feeling na tingin ko hindi fitted sakin dahil sa halaga, duh i'm just a poor thing na nalimot lang sa kalsada. Pero nung sinuot ko na... oh my gad parang ginawa talaga yon para sakin.. shiit.. hehehe oh bless!! Hahah

Laging ganoon lang ang set up namin pinapatigil ko na nga si Shenron na magbigay ng bulaklak kasi mapupuno na ang office ko ng bulaklak pati ang bahay puro flowers na, araw araw ba naman lagi siyang may dalang bulaklak. Hindi naman sa nagsasawa ako, actually masaya nga ako kasi i feel special whenever he gave me a bouquet of flowers. Ayyeee..

"Bakit? Sasagutin mo na ba ako?" Napangiwi ang mukha ko sa sinabi niya, napahawak naman siya sa kaniyang batok na natatawa kaya pati ako natawa na din.

"Pinatitigil lang kitang magbigay ng bulaklak kasi nga look at my room? Puno na ng bulaklak! Wala na akong paglalagyan kapag nagbigay ka pa hindi na din pwede pa sa bahay kasi baka magmukha naman yong sementeryo.. shocks_"

Nabigla ako ng nakawan na naman niya ako ng halik.. oo na naman.. kasi palagi niyang ginagawa iyan kapag susunduin niya ako, pagkatapos ng breakfast, after dinner and pagkahatid niya sakin. Minsan nga napapaisip ako eh.. normal lang ba na manghalik kahit manliligaw ka pa lang?

"Don't ever say that words or else i will kiss you more than that.." his eyebrow titches dahilan para maramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan.

Hindi ko tuloy alam kung kinikilig ba ako o natatakot? Actually hindi naman iyon nakakatakot kasi kiss lang naman iyon eh.. ang kinakatakot ko ay baka mahantong kami sa alam niyo na.. marupok pa naman ako paano kung hindi ko makontrol na naman ang sarili ko at magpadala na naman sa gusto ng katawan ko?

Hay naku.. ang O.A mo .. ang lawak ng imagination mo eh halik lang naman ang ginawa sayo! Tssk.. assuming ka din eh no! Sabi pa ng isip ko..

Kung pwede ko lang sakalin tong isip ko ginawa ko na eh masiyadong epal..

Hindi na nga ako nagsalita pa tinalikuran ko na lang ito at bumalik sa ginagawa ko kanina.

Ewan ko ba dito kay Shenron magkasama na nga kami kanina eto na naman namiss ata ako.. heheh charr..

Bakit hindi?

Hindi naman siya pupunta dito kung hindi eh di ba?

Oo na.. namiss ka na kung namiss.. tsssk..

Napaangat ako ng tingin kay Shenron ng humahakbag ito palapit sakin.

"What??" Tanong ko sa kaniya napaawang ang labi ko ng yumuko ito kaya ngayon ay magkapantay na ang mukha naming dalawa.

Ano kayang ginagawa niya? Parang tanga to...

Nakatingin lang ako sa mata niyang malikot dahil pasalit salit ang tingin niya sa mata at labi ko kaya mabilis kong pinagdikit ang labi kong nakaawang kanina.

Nakakahiya talaga.. mabuti na lang talaga at nagmouth wash ako.. hahaha..

kita ko ang pag-angat ng kamay niya kaya napakunot ang noo ko..

hindi ko tuloy naiwasang mapapikit ng maramdamang hawiin niya ang kunting buhok na nakalaylay sa noo ko.

Gusto ko tuloy matawa kasi may papikit pikit pa akong nalalaman.. yaaaahhh!! Nakakainis talaga.. pero mas nakkainis kasi hinahayaan ko siyang gawin sakin to.. tuloy ang puso ko nagwawala na sa sobrang kilig... ayyeee!!! Hehehe

My Playboy Boss (Tagalog - English)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu