CHAPTER 23 "SACRIFICE"

4K 41 0
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

...

"Aaaayyyy!! Yong baril!" Sigaw ng mga tao pero huli na ng makabawi siya dahil successful na naagaw ni Ronald ang kaniyang baril at itinutok iyon sa kaniya. Hindi nito alintana ang hubo nitong katawan habang ang kabit naman nito ay abala sa pagsuot ng damit nito. Matapos nilang makapagdamit si Ronald naman ang sinuotan nito ng pang-ibaba.

"Anong akala mo? Matatakot mo ako??" Sabay tawa nitong malademonyo, tuwang tuwa dahil naagaw niya ang baril sa kaniya. Natakot si Yvonne hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaligtasan ng kaniyang ate. Mukhang mas lalo lang niyang pinahamak ang kaniyang ate dahil sa kaniyang wrong timing na pagpasok. Naputol ang kaniyang pagseself blaming ng muli itong magsalita para mapunta uli ang kaniyang buong attensyon sa lalaki.

"Nakakapagtaka lang, paanong nalaman mo ang address ng bahay namin?" Nanlalaki na ang butas ng ilong nito na bahagyang nakasinghal.

Ano ng nangyare sa dating napakalambing at napakacaring na Ronald na nakilala nila. Paanong nangyareng naging ganito eto kaagrresibo ngayon? Ayaw niyang isipan ng masama ang kaniyang ate dahil kahit anong mangyare hindi iyon sapat na rason para gawin niyang miserable ang buhay ngayon ng kaniyang ate. Hindi niya lang ginawang miserable ang buhay nito bukod sa sinira niya ay pinagwatak watak pa nito ang kanilang pamilya at ang pinakamasakit doon ay hindi nito nakita sa huling pagkakataon ang kanilang mama at iyon ang kaniyang ikinagagalit. Hinding hindi niya ito mapapatawad. Pero paano niya magagawang makatakas dito kung sila ng kaniyang ate ang naging hostage nito. Awang awa siya sa kaniyang ate dahil sa panginginig ng katawan nito. Habang nakatutok ang baril sa kaniya ay panay pa din ang dakdak nito sa kaniya.

"paano ka nakapagsumbong Kara? Wow... Ang galing mo!!!" Galit na galit na sigaw nito habang pasalit salit ang pagtutok ng baril nito sa kanilang dalawa ng kaniyang ate. Kita niya ang panginginig ng katawan ng kaniyang ate, pero ang ikinabigla niya ay ang sumunod na ginawa nito.

Natawa si Yvonne ng mapakla dahil sa tanong nito sa kaniyang ate..

"Baliw ka na ba? Malamang nakatawag! Akala ko pa naman matalino ka.. utak galunggong ka din pala!" Nagulat pa si Yvonne ng biglang harangin siya ng kaniyang ate ngayon ay nasa likod na siya ng kaniyang ate kaya napakunot ang noo niya.

"Ako na lang ang patayin mo paalisin mo lang ang kapatid ko dito!" Sigaw ng kaniyang Ate Kara, na nakadipa ang kamay na tinatakluban siya. Hindi siya makapaniwalang magagawa ito ng kaniyang ate. Patunay lang ito na talagang mahal siya nito at hindi ito papayag na masaktan siya. Tumulo ang kaniyang luha dahil sa tuwang nararamdaman niya. Masaya siya dahil isasakripisyo nito ang sariling buhay para sa kaniya, Pero hindi naman siya papayag na ipaubaya ang sarili nito para sa kaniyang kaligtasan. Ayaw niyang masayang ang kaniyang pinunta dito pati na ang pinagako niya sa kaniyang sarili na ano man ang mangyare hindi niya iiwan ang kaniyang ate dito.

"Yvonne.. lakasan mo ang loob mo.. akong bahala sayo.. makakalabas ka ngayon ng buhay.. pangako ko iyan sayo.." iyan ang pangakong binitiwan sa kaniya ng kaniyang ate. bigla ko siyang hinigit at niyakap ng mahigpit. Naramdaman niya ang mainit na likido na pumatak sa kaniyang braso, alam niyang luha iyon ng kaniyang ate kara.

"Naparito ako para kunin ka sayang lang ang pinunta ko dito kung hindi kita mabibitbit!"

Tumingin muna ito saglit sa kaniya na tila sinisipat ang kaniyang mukha binabasa kung totoo ba ang sinasabi niya. Nang masiguro nitong hindi siya nagsisinunghaling ay tumunga lang ito at ngumiti sa kaniya.

"Thank you Yvonne and i'm sorry for everything i've done.. i'm sorry..." She muttered but no words escape to her lips and she understood it either way, maybe because of tirediness of her body, naubusan na ito ng lakas ng katawan, naubusan na ito ng boses sa kasisigaw at pagmamakaawa na wag siyang saktan, na tama ng pagpapahirap sa kaniya. Pero dahil mga siraulo ito ay para itong mga walang pakiramdam. Manhid, Masaya sila sa ginagawa nila at iyon ang ikinabubuwisit ni Yvonne. Gusto niyang pasabugin ang mga bungo nito pero paano? Wala na sa kaniya ang baril? Isa na lang ang tanging naisip niyang paraan at iyon ay ang labanan ng harasan si Ronald. Isa pa ay hindi naman nito alam na trained siya ng martial arts.

My Playboy Boss (Tagalog - English)Where stories live. Discover now