CHAPTER 26"UNEXPECTED"

4.1K 50 0
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*




...

Sobrang late na late na ako kahit na nagsend ako ng apology syempre hindi pa din iyon sapat. Grabe kinakabahan talaga ako dahil ito ang kauna unahang nalate ako. Two hours lang naman akong late.. huhuhu patay talaga ako. Kunting hakbang na lang at tutungtong na ako sa entrance ng company. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko kasing bilis ng tibok ng puso ko.

Tsug... Tsug... Tsug..

Shit.. eto na... Eto na...

Bumuntong hininga ako ng malalim bago pumasok, kahit diretso ang tingin ko kita ko pa rin ang mata nilang tutok na tutok sakin, pero para akong robot one way lang ang tingin. Para ano pa? Para makita ko ang mga mata nilang makasalanan? Kumakanta ako sa isip ko para hindi ko marinig ang kanilang mga pinag-uusapan dahil alam ko namang ako ang laman ng mga bunganga nila. At syempre ayaw ko ding marinig ang mga parang kutsilyo nilang salita na tumatarak sa puso ko diretso. Akala nila manhid ako at walang pakirdam hindi nila alam na ginagawa ko lahat ng iwas na magagawa ko wag lang makipag-away sa kanila.

Mimsan nga napapatanong ako sa sarili ko eh.. may ginawa ba ako sa kanila? Parang wala naman akong maisip na nagawa ko para ganitohin nila ako.

Pagdating na pagdating ko ay pumunta agad ako sa head of department para magpaliwanag. Pero sabi niya okay lang daw kasi ngayon lang naman daw nangyare ito at tsaka nagsend nman daw ako ng apology kaya walang problema.

Iyong kaba ko kanina alam mo ba iyong pakiramdam na feeling mo matatae na maiihi ka sa sobrang kaba. Hahaha pasintabi po sa mga kumakain.. hehehe ✌️🤭

After an hour Lunch time na pero dahil hindi ko pa ramdam ang gutom ay hindi muna ako umabas ng opisina ko, ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng report sa computer ko dahil dapat kanina ko ito ginawa pero dahil nga sa nangyare kaya kailangan ko din itong tapusin ngayon dahil medyo marami pa ito at mamayang alas 4 na ito ipapasa.

Nagsend na din ako ng message kay Ate Kara na kumain siya at uminum ng gamot.

Medyo kumakalam na ang sikmura ko kaya kinuha ko ang mamon sa bag ko at iyon na lang ang nilantakan. Bahagya pa aong nagulat ng may kumatok ng tatlong beses bago bumukas ang pinto.

"Oh Sir Christian ikaw pala.." nakangiting tanong ko.

"Pinapatawag ka ni Sir Shenron sa kaniyang office tumayo ka na diyan.."

Nanlaki ang mata ko..

Andiyan na siya?

Nahirapan akong lumunok hindi ko alam kung sa kinain ko bang mamon kaya medyo malapot ang laway ko o dahil sa kaba?

Oo kinakabahan ako na may halong excitement. Namiss ko din siya kahit papaano kasi 2 months ko din siyang hindi nakita. Kamusta na kaya siya? Pumayat kaya siya? Pero kasama naman niya ang fiancee niya kaya siguradong busog lusog iyon..

Bumuntong hininga ako, para akong tanga..

Talent ko bang saktan ang sarili ko?

Tumayo na ako at lumabas na ng opisina.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago marinig ang boses ni Shenron.

"Come in!"

Tsug.. tsug... Tsug... (Heartbeat)

Inames talaga oh! Kahit boses niya pa lang nakakakaba na ano pa kaya kung makita ko ang mukha niya! Bumuntong hininga ako ng 2 beses bago buksan ang pinto.

My Playboy Boss (Tagalog - English)Where stories live. Discover now