CHAPTER 15"pain"

4.9K 49 5
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

...

YVONNE'S POV

Tiiiinnggg!!! Tiiinnggg!!! (Alarm clock)

Uminat muna ako bago pinatay ang alarm, nag-alarm talaga ako kasi baka dumating si Shenron maabutan na naman niya ako na nakapantulog. Naligo na ako at nagbihis ng oversized t-shirt and short. Habang naghihintay ay nagwalis muna ako at nagmap pero anong oras na wala pa din siya.

Hmmnn.. bakit kaya?

Itext ko kaya siya?

Kaso baka isipin niya hinihintay ko siya?

Pinatuyo ko na lang muna ang buhok ko at nahiga sa sofa. Sa sofa talaga ako na nahiga para mabilis ko mabuksan ang pinto. Nakangiti akong nakapikit while waiting ng biglang tumunog ang doorbell..

This is it... :)

Tumayo na ako, inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pinto.

"Gerald?" Parang gulat na gulat na tanong ko.. hindi ko expected na uuwi siya ngayon. Dati ang saya ko kapag dumarating siya kasi makakapagbonding kami, pero ngayon nalungkot ako kasi hindi na kami makakapagbonding ni Shenron. Bad timing naman.. napansin ata niya na malungkot ako kasi nagtanong siyang nakakunot ang noo.

"Oh! Bakit ganiyan ang mukha mo? Ayaw mo ba na nandito ako?" Tanong niya pero sa malambing na boses bago ako niyakap ng mahigpit.

"Of course not.. i miss you bhe!"

"You're smell good.. naligo ka na? Ang aga pa ah! Do you expect someone?"
Inamoy amoy pa nito ang leeg ko dahilan para makiliti ako.

"Isa.. nakikilikiti ako Gerald! .. Hehehe!!" Yakap yakap niya ang bewang ko habang ako naman ay pilit na itinutulak ang kaniyang mukha palayo sa leeg ko dahil malakas ang kikiti ko sa leeg. Pero para akong nakakita ng multo ng makita ang bulto ni Shenron sa pinto na masama ang tingin. Shit.. hindi ko pala naisara ang pinto..

"S-shenron.. " sabay ngiti alam kong galit ito dahil sa sama ng tingin nito.

"Come in.." aya ko dito, pumasok naman ito pero hindi pa din nawawala ang seryosong tingin nito kinakabahan tuloy ako kahit wala namang dapat ikakaba.

"Bhe! Nag-almusal ka na ba?" Iling lang ang sagot ko,

"Okay.. lutu_" pupunta na sana ito sa kusina ng biglang magsalita si Shenron.

"AKO NA!" Matigas na sabi ni Shenron agad namang napalingon si Gerald sa direksyon namin, tumunga ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Shenron kaya umakyat na ito sa kwarto namin.

Walang salitang tinahak ni Shenron ang kusina sumunod ako sa kaniya at nabigla ako ng hubadin niya ang kaniyang damit kaya napatalikod ako..

Dugdog.. dugdog.. sunod sunod na tibok ng puso ko..

Shit.. eto na naman ang puso ko ang bilis.. feeling ko ang pula pula ko na naman kainis..

"S-shenron anong g-ginagawa mo?" Tanong ko na hindi makatingin sa kaniyang katawan. I heard him chuckle dahilan para mapatingin ako sa kaniya at nanlaki pa ang mata ko ng palapit siya sa akin.

Ano bang ginagawa niya?? Magluluto siya hindi magmomodel.. kailangan ba talaga i-flex ang muscle niya? Tssk.. at dahil matangkad siya sakin nasa harap ko ngayon ang matipunong dibdib niya. Nakakahiya kaya napakagat labi na lang ako.

"you like the view? Huh?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya tinulak ko siya pero hindi man lang ito nagalaw at ang masaklap pa nahawakan niya pa ang kamay ko at itinapat iyon sa kaniyang dibdib kaya napatingin ako sa mga mata niya. Napakaseryoso nito.

My Playboy Boss (Tagalog - English)Where stories live. Discover now