CHAPTER 21 "missing"

4.3K 44 0
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

..

THIRD PERSON'S POV

Si Gerald ay hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan dahil alam niyang may tinatago sa kaniya si Yvonne, kilalang kilala niya ito dahil sampong taon na silang magkasama sa iisang bahay. Pero ngayon iba.. iba ang kinikilos ngayon ni Yvonne para itong laging nasa kawalan? at malalim ang iniisip.

He want to ask her pero ang lagi nitong sabi ay "okay lang siya" kahit alam niyang hindi. Hindi na ito nagkukuwento sa kaniya hindi tulad noon na ano man ang mangyare wala itong pinapalagpas, masayahin, makulit at higit sa lahat hindi ito malihim na tao. Naputol ang kaniyang pag-iisip ng tapikin siya ni Harry sa kaniyang balikat.

Si Harry ang kasama niya ngayon sa Lucena Bar dahil ipapakilala daw siya nito sa mga kaibigan niya. And this is his first time na makakakilala ng bagong tao dahil hindi siya socialize na tao. Si Yvonne lang ang tangi niyang naging kaibigan simula't sapol. Pero syempre hindi siya tumanggi, isa sa dahilan ay dahil boyfriend niya na si Harry at gusto niya ding makilala ang mga kaibigan nito para mas lalo niyang makilala pa ang kasintahan.

Umupo sila sa isang VIP room kung saan sila pinaghintay ni Lucena Cho ang may-ari daw ng Lucena bar na ito. Hindi halata na siya ang may-ari sa pangalan pa lang obvious na obvious na.

Ilang minuto lang silang naghintay dahil maya maya lang ay bumukas na ang pinto at bumungad doon ang tatlong nagsisiguwapohang mga lalaki na may kaniya kaniyang taste ng panunuot at meron pang isang Classic na Babae.

Nakilala niyang mga Barkada pala ito ni Harry lahat at dahil Boyfriend siya nito ay ituring na din daw niyang barkada siya. Natuwa siya dahil hindi siya nito kinamuhian o kinasuklaman siguro dahil ganun kalaki ang respeto nila kay Harry. At saka hindi naman talaga siya kasuklam suklam dahil hindi naman siya mukhang baklang bakla. Dahil sa tindig at porma niya ay malabong masabi mong bakla siya.

Alam ni Gerald na hindi ito mga simpleng tao dahil unang tingin niya palang dito may matataas na propesyon ang mga ito dahil sa tindig at porma nito alam niya na mayayaman ang mga ito bukod pa rito ay talagang mga maskulado ang mga katawan nito halatang banat sa gym.

At hindi nga siya nagkamali ng isa isang ipakilala ni Harry ang mga barkada nito na sina Lucena Cho, may-ari ng Lucena Bar at iba pang Bar sa lugar nila, ito din ang may-ari ng Farm na nagbabagsak ng mga gulay sa iba ibang lugar maging sa ibang bansa.

Si Liam Wei naman ay isang gay at Lawyer na anak ng isang sikat na Lawyer sa kanilang Lugar, katulad niya ay hindi ito bakla kung titingnan.

Si Oliver Wang half filipino half chinese, isang Doctor sa kanilang Hospital na tinayo ng kaniyang Daddy dito sa Pilipinas. Kung si Liam ay Gay si Oliver naman ay isang Straight at popular sa mga girls lalo na at isa itong Doktor.

At ang nag-iisang babae na si Princess Sarita Yeong isang sikat pagdating sa teknolohiya sa ibag bansa, ito din ang sikat na gamer sa computer games, and hacker, isa pa isa siyang Black belt sa martial arts. Si Sarita naman ay isang Lessbian. Kaya ang kanilang barkada ay tinawag na LGBTS means Lalaki, Gay, Bisexual, Tomboy at Straight. Siguro nagtaka kayo kung bakit may straight pa eh may lalaki na nga. Kasi si Lucena lalaki siya pero pwede sa lahat, Naks ang kulit.. hahaha

Natapos ang kanilang pag-iinuman alas tres na ng madaling araw, nag-kaniya kaniya na sila ng uwi dahil may may sari sarili naman silang mga sasakyan.

My Playboy Boss (Tagalog - English)Where stories live. Discover now