Chapter 1

10.1K 198 31
                                    

𝘾𝙚𝙡𝙚𝙧𝙮 𝙁𝙧𝙞𝙩𝙯 𝘾𝙧𝙪𝙯𝙖𝙙𝙤

Nakakatuwang pagmasdan ang bawat galaw ng mga puno. Ang malayang paglipad ng mga ibon. Ang napakaaliwalas na kalangitan at ang masamyong hangin na dumadampi sa aking balat.

Mula sa terrace ay tanaw ko ang babaeng ilang buwan ko ng pinagmamasdan mula sa malayo.

Nakasandal sa sports car niya habang maya't maya ang pagsipat sa kanyang relo.

Halata ko sa magandang mukha nito ang pagkainip sapagkat lagpas isang oras na itong nag-aantay.

Napakatiyaga niyang mag-antay araw araw para masilayan lang ang taong ilang buwan niya ng sinusuyo. Ni hindi nga siya matapunan ng tingin ng taong yun ngunit hindi mawaglit sa labi nito ang ngiti sa tuwing dadaan ito sa harapan niya.

Swerte ng taong yun, kahit sa iba ito nagpapasundo ay hindi parin magsawa kakapunta itong babae upang mag bakasakali na sa kanya naman sumabay.

Tapos ako heto nagbabakasakali rin na mapansin niya.

At ang masilayan lang ang taong mahal namin ay masaya na kami pareho.

Gumigising ako ng maaga para masilayan siya.

Samantalang siya gumigising ng maaga para masilayan ang iba.

Napatingin ito sa gawi ko kaya agad ko siyang kinawayan at nginitian.

Ngunit napaiwas lang ito at ibinaling ang tingin sa mga puno.

Napalabi na lang ako ng wala sa oras.

Ang sarap sigurong maging puno na lang noh. Bukod kasi sa nadidiligan ito, madami rin nakaka appreciate sa existence nila.

Buntong hiningang napatingin ako sa kalangitan at may iilang tanong na pumasok sa aking isipan.

Sinong nagpapasaya sa'inyo?

Sinong nagpapakilig at nagbibigay inspirasyon para magpatuloy kayo sa buhay?

Sinong nagbibigay ng problema at pasakit sa'inyo?

Sinong patuloy paring umaasa na mamahalin kayo ng taong palihim niyong gusto?

Sinong na friend zone na at nakaranas ma-ghost?

Sinong hindi parin maka move on sa ex gf or ex fling nila?

Sinong iniwan sa eri pagkatapos gamitin at paasahin?

Sinong naniniwala na may poreber?

At sinong umaasa parin sa sampung libong ipinangako ni Cayetano?

Sagot!

"CELERY!!"

"Ay palaka!" Bwesit naman kung makapang gulat.

Muntik ng mahulog sa'kin ang upuan.

Dahil upuan na lang talaga ang pwedeng mahulog sakin.

Sa inyo ba ano?

"Susmaryosep kang bata ka, ba't nakatunganga ka parin diyan sa terasa ha? Malalate ka na sa klase mo at anong oras na oh!" istorbo naman tong si manang oh.

"It's too early in the morning Manang. You see, I'm here at the balcony looking for a beautification of our nature." Tiyaka para masilayan ang isang diyosa na bumababa mula sa langit para magpapansin sa'kin.

Napakibit balikat lang ito bago ibaling ang tingin sa baba at napapailing na humarap muli sa'kin.

"And should say when you looking at me!" Lumapit ako at dinuro siya.

"How are you to find out in the morning?"

"Pak! Ganern dapat ang bungad mo sa'kin manang!" Taas noo kong sambit at napatawa ng nakakaloko.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now