Chapter 18

4.9K 256 76
                                    

Enjoy Reading!
~~~~~~~

Dalawampung minuto na namin tinatahahak ang medyo masukal na daan.

Hindi gaanong matarik ang bundok kaya kalmado ang aking paghinga. May kabagalan lang din ang lakad ng lahat kaya nakakasabay ako sa kanila.

Maging ang panahon ay nakisama dahil hindi gaanong mainit at ang presko ng simoy ng hangin.

Kahit paano napawi ang pag-aalangan kong sumama.

Sa kada hakbang ko ay unti unti ring gumagaan ang bigat ng pakiramdam sa puso ko.

First time kong sumama sa hiking at expected ko ng pagkatapos nito ay sakit sa buong kalamnan ang iindahin ko.

Pero ayos lang dahil ang sakit sa katawan mawawala lang din naman yan sa loob ng ilang araw pero yung bigat sa puso ay papasanin mo yan habang humihinga ka sa mundong ito.

Kahit saglit lang.

Kahit ilang oras lang maramdaman ko naman ang kapayapaan. Yung ganitong pakiramdam mismo ang matagal ko ng gustong matamasa.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit karamihan sa mga workaholic, stress or depressed na tao ay gusto ang pamumundok.

Nakakawala pala ng problema, lahat ng negative vibes ay hinihigop nito at sobrang gaan sa pakiramdam na wari'y hinihili ka ng kalikasan.

Malayong malayo sa syudad na bukod sa polluted ang malalanghap mong hangin eh puro negativity din ang na aabsorb mo.

Kanina lang ay nasa likod ko pa si Celes, nagpaalam ito saglit para ibigay ang baong tubig sa Mommy niya. Si ate Seven naman na nasa likuran ko lang din ay bigla na lang naglaho.

Walang dapat ipangamba dahil maraming guide na nakaantabay sa posibleng maganap na aksidente. Ang apat sa kanila ay nasa unahan at ang iba'y alam kong nasa likuran ko lang din.

Nagpahuli ata si ate Seven para antayin ang ate. Hindi kasi ito sumabay kanina at may aasikasohin pa raw.

Yung tungkol naman dun sa nangyari sa aso, binilin ko kay Ate Ana na hindi na ipagsabi ang totoong dahilan ng pagkamatay nito dahil ayokong makagawa ng gulo.

Gagawa na lang ako ng paraan para masagot lahat ng mga pagdududa ko. I don't want to jump into a conclusion and pinpoint a certain person without a solid evidence. Lalo pa si ate ang involved dahil ni minsan hindi pa ito namisikal.

Iniisip ko na lang na baka coincidence ang nangyari kung bakit namatay ang asong yun. Baka may sakit na talaga ito at nagkataon lang na yun ang huli nitong kinain.

Ayoko ring kwestyunin si Ate Seven dahil napaka imposibleng kasabwat siya ng ate dahil napakabait ng trato nito sa'kin. Sabi niya pa nga after ko siyang binasted itatrato niya na ako bilang nakababatang kapatid niya. Which she did nga.

Bigla na namang sumakit ang sentido ko. Ba't kasi sumagi na naman ang mga yun sa aking isipan.

Napatigil ang lahat sa paglalakad ng dumating kami sa mabatong bahagi ng daan. Kailangan mag-ingat sa aapakan dahil pag nadulas ka sa malalaking bato ang bagsak mo.

Hindi muna ako kumilos at inobserbahan lang ang mga kasama kong nauna na.

Pumikit muna ako at hinilot saglit ang aking sentido, pagkatapos ay huminga ako ng malalim.

"ERY!"

Sigaw sa pangalan ko mula sa likuran kaya agad akong napadilat.

Hindi na ako nagkaron ng pagkakataong lingonin ito ng may maramdaman akong malakas na pwersang tumulak sa'kin dahilan para tumilapon ako sa batohan.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now