Chapter 11

4.3K 196 43
                                    

Nakangiti akong umalis sa condo ni ma'am bitbit ang card na magpapa alwan sa aking buhay. Ang yaman ko na nito kung sakali.

Yun, kung basta ko na lang din itong gagamitin.

Pero syempre hindi ko gagawin yun dahil kahit pa binigyan niya ako ng karapatan gastosin ang pera niya ay nakakahiya parin. Ayokong abusohin yun at sanay naman ako sa simpleng buhay lang.

I can leave without those fancy and extravagant things people used to boost on social media. A 50 peso shirt would do, and even ukay ukay clothes can pull off a decent look.

Oh yeah, kahit 10 pesos pa yan basta maayos pa naman. You need to wash it lang tapos pwede na isuot, di na nila mahahalata na mumurahin.

Basta importante may damit na nakatakip sa ating katawan.

Panloob na kaanyuan parin naman ng tao ang basihan para matawag kang disente eh.

I believe na hindi kayang takpan ng mamahaling abobot sa katawan ang dignidad ng tao.

Kung madumi ang budhi mo, kahit anong tapal pa ng ginto ay hindi na magbabago yan. You should change yourself into a respectful and better person, and in that way, you will gain respect and gold-like treatment from society.

Kahit nga itong suot ko ngayon lahat ay imitations lang, in short mumurahin.

Who cares?

Ang Importante maganda ako. May respeto sa kapwa at higit sa lahat may takot sa diyos.

Pero hindi lang talaga itong Black card ang dahilan kung bakit ako masaya.

Yung mismong nagbigay nito ang rason kung bakit pakiramdam ko sobrang gaan ng buhay.

Sariwa parin kasi sa utak ko ang nangyari sa pagitan namin kanina.

Yung bawat dampi ng kanyang mga labi sa aking balat. Haplos ng kanyang mga kamay at daing niyang kaysarap sa tenga.

Woah!

I still can't believe that such a magical moment happened. I mean, ahhh, what great feelings!

Ganito talaga siguro ang pakiramdam pag yung taong mahal mo mismo ang humaplos sayo.

Wala akong pinagsisihan.... Ganon din siya.

My first kiss is not a disaster Lord!

Hmm.. di ko maiwasang mapangiti habang naglalakad sa lobby ng building namin.

Kahit kagagaling ko lang sa sakit ay sobrang ganado ako na halos mapakaway pa ako sa mga estudyanteng bumabati sa'kin.

Syempre medyo famous tayo since isa ako sa student council ng university.

"Celery!"

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Asyn!" Masiglang tawag ko sa kanya ng mamataan ko itong tumatakbo palapit sa gawi ko.

"Asan si Asukal"

"Pupuntahan mo ba si Sugar?"

Sabay naming tanong na ikinaikot ng mata niya.

So pareho kaming absent sa first subject namin kay Mrs. Lhust.

"Kanina ko pa tinatawagan si Asukal pero hindi niya naman sinasagot." Kibit bikat kong saad dito.

"Lika at puntahan natin sa room. Nakatunganga na naman yun kay Mrs. Lhust panigurado" sabay hila ko kay Syn ngunit tinabig lang nito ang kamay ko sanhi para mapatigil kami sa paglalakad.

"Ikaw na at may pupuntahan pa ako." Yun lang sinabi niya bago ako talikuran at iwan sa gitna ng hallway.

Ang attitude rin ng hinayupak na yun. Paano nga ba namin naging kaibigan ni Asukal yun? Hayy naku hayaan na nga.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now