Chapter 25🔞

11.2K 297 52
                                    

Warning🔞🔞

𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢𝐤 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐢𝐥𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐧𝐚 𝐞𝐤𝐬𝐞𝐧𝐚 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐨𝐩 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚.
  

Happy Halloween Gays!👻

_____________________________________

**THIS CHAPTER WAS WRITTEN BY ME & KENDALL-01 my love♡♡♡**

~~~




Nasabi ko na halos lahat ng kinimkim kong hinanakit sa kanya. Naiyak ko na ang naipong luha na naimbak sa loob ng ilang taon pero mabigat parin ang pakiramdam ko.

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko kung bakit nangyayare sa'kin ang lahat ng ito. Siguro ay isa ako sa mga taong hindi ma-swerte sa buhay. Malas man kong tawagin ngunit sa gitna ng unos ay may mga taong bigla na lang dadating para dumamay.

Si Celes...

Dumating siya para damayan ako. Andun parin ang tampong nararamdaman ko sa kanya pero kalakip 'non ang haplos sa puso ko ng bigla na lang siyang sumulpot para pakalmahin ako. Hindi na ako tumutol ng dalhin niya ako sa condo niya.

Heto ako't nakatayo sa tapat ng shower at hinahayaan ang patuloy na pagbuhos ng tubig sa buo kong katawan. Halos isang oras na siguro magmula ng pumasok ako sa cr. Napayakap ako sa hubad kong katawan ng maramdaman ko ang lamig kasabay ng mahinang katok mula sa pinto.

"Ery.. Are you done? Uhm I brought you a towel and a spare clothes" dinig kong boses mula sa labas ng cr.. hindi ako nakasagot ng bigla na lang tumahimik..

Ngunit ilang saglit lang ay bigla na lang bumukas ang pinto na ikinagulat ko. Nilingon ko ito at saglit kaming nagkatitigan at naistatwa..

"Oh my gosh! Oh g-ghad!"gulat at pagkamangha ang rumihistro sa mukha nito ng makita niya ang kabuuan ko.

"Uhm, here's the towel, I just thought maybe you need some help so I'm sorry for opening the door without your permission... I- I'll just wait you in the kitchen okay?.. Foods.. Yeah I need to prepare foods for you" tarantang sambit nito at hindi alam kung saan ibabaling ang kanyang tingin..

Kung umakto siya eh para namang hindi niya pa nakita ang katawan ko.. natikman niya pa nga eh.. sa isip-isip ko.

I don't know how to react pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang maya't maya niyang pag pasada sa hubad kong katawan. Bigla akong nakaramdam ng init sa way ng pag titig niya pero natigil rin ang pagnanasa ng bigla itong tumikhim at alanganin pang nagpaalam ng tangohan ko ito.

Dinampot ko ang tuwalyang pinatong niya sa sink para tuyoin ang basa kong katawan at buhok. Napangiti na lamang ako sa sarili nang maalala ko ang reaksyon niya pero mabilis ko rin iwinaksi sa isipan ko dahil sa pag kalam ng aking sikmura.

"Hindi pa pala ako kumakain" ramdam ko ang gutom pero iniisip ko pa rin kung kumusta na ang kalagayan ni Sushi.

I smiled bitterly ng maalala kong andun naman yung parents niya at hindi siya pababayaan, hindi tulad ko na talagang pinabayaan nila mula pa sa simula. Well ito ang buhay na binigay sa'kin kaya dapat pagtyagaan ko.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon