Chapter 15

4.7K 226 66
                                    

I was kinda scared and hesitant to approach Manang after what mam Serena and her friends told me.

Ilang minuto akong stress na stress sa labas. Makailang balik na rin ako sa cr dahil pakiramdam ko natatae ako na ewan. Na tetense ako eh pero pilit kong kinalma ang aking sarili bago nagpasyang lapitan at kausapin ng buong tapang si Manang.

Bahala na. Hihingi na lang ako ng tawad kung sakaling galit man ito sa'kin.

Andito silang lahat sa living room. Kanya kanyang pwesto sila Celes with her friends while busy with their cellphones. Si Manang naman nakapwesto sa mini table habang nagbabasa ng magazine. As usual tahimik parin at aakalain mong galit sila sa mundo.

"What's with the long face, hija?" She asked after noticing my presence in front of her.

Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil medyo nag-aalangan parin ako. Pero hindi eh, ang awkward at di ako sanay na umaktong pa demure sa harap niya. Di ko kailangan magpanggap at paniwalaan ang mga sinabi ng mga kaibigan ni ma'am kanina.

"Manang!" Tawag ko sa atensyon niya. Kunot noo itong tumingin ng deretso sakin kaya nagpatuloy ako.

"Kahit Mommy ka pa ni Celes, Manang parin ang itatawag ko sa inyo" singhal ko na ikinatawa nito ng mahina bago tiniklop ang magazine na hawak niya.

"Haha, sit down. Gusto mo ng brownies? Chocolate's?" Alok nito pagkaupo ko sa harap niya. Kumuha ako ng isang brownies at sinubo yun ng buo. Masarap ah di gaanong matamis.

"I actually don't mind, Ery hija. Perhaps, you can call me whatever you like" she uttered with genuine smile on her face.

Napangiti naman ako sa tinuran nito. Bigla ring gumaan ang pakiramdam ko.

"See? Mabait naman kayo eh. Minsan masyado lang talagang judgemental ang mga tao. Hindi porket masama ang trato niyo sa kanila eh ganon na rin sa lahat" medyo may kalakasan kong sambit kasabay ng intensyong marinig iyon ng iba. Pang iismid ko pa at tilá proud sa aking tinuran. Who cares?

"I really like you, hija" She seriously said that, which made my mouth hang open. Of course, in a teasing way.

"Uyy manang! Di tayo talo! Ano ba" maarting sambit ko sabay flip hair dahilan para humagalpak ito sa pagtawa.

"Hahaha Gaga kang bata ka!"Yan nagaga pa ako.

"What I mean is that I like your vibes, your aura. Your being blunt and jolly entertains and amazes me. Your eyes too, I can see the love and kindness in them." She uttered looking directly to my eyes.

"Paano naman po ang kagandahan ko? Isama niyo na, nahiya pa kayo eh" sambit ko dahilan para mapatawa ito ulit. Sigurado ako at kanina ko pa ramdam ang mga matang nakapukol sa gawi namin ni Manang. Anlakas ba naman nitong tumawa eh.

"My g-god enough haha. Sumasakit na tiyan ko kakatawa sayo haha" sambit nito sa gitna na pagpipigil ng tawa.

Sobrang babaw ng kaligayahan ni Manang.

"Sana po namana rin ni Celes yang mga mata niyo ng sa ganon, ma appreciate at makita niya rin ang worth ko" seryosong sambit ko na ikinatigil nito.

"Yung nanay gusto ako, sana pati anak din para masaya hehe" dagdag ko pa sabay tawa ng alanganin.

"Love takes time, Ery hija. Be patient and Don't lose your hope" pagpapalakas niya ng loob ko. Nakakatuwa tong mommy ni Celes, positibo mag-isip at halata mong totoo ang pinapakita niyang ugali sa tao.

"Siguro kung di lang nagkakalayo ang agwat ng edad natin niligawan niyo na po ako noh?" Seryosong saad ko na nagpaubo sa kanya bago humagalpak ulit sa pagtawa.

Play PRETEND [Marupok Series #2] On-GoingWhere stories live. Discover now