Kabanata 2: Sa Construction Site

11K 117 0
                                    


Nasa ikawalong buwan na ng pagbubuntis si Rosa. Mas pinagbuti naman ni Arman ang pagtatrabaho lalo na't madaragdagan ang kanilang pamilya.

Nang gabing iyon, habang magkatabi silang mag-asawa ay sinimulang hagkan at halikan ni Arman ang kanyang misis na si Rosa.

"Ay Arman tigilan mo yan, matulog na tayo," pananaway ni Rosa.

"Rosa naman, matagal-tagal mo na rin akong hindi pinagbibigyan," reklamo ni Arman.

"Ano ka ba naman. Nakita mo na nga't ang laki-laki na ng tiyan ko. Baka makasama sa dinadala ko kung ipipilit mo pa. Sige na matulog ka na diyan," ang sagot naman ni Rosa.

Napabuntong hininga na lamang si Arman. Bukod sa hindi na siya napagbibigyan ng asawa ay tila naging sumpungin na rin si Rosa. Inisip na lang ni Arman na marahil dala ito ng kanyang pagbubuntis. Inintindi na lamang niya ang kanyang misis.

Kinabukasan ay maagang gumayak si Arman patungo sa trabaho. Pagkatapos mag-almusal ay agad na rin siyang naghanda sa pag-alis.

"Hindi nga pala ako dito matutulog mamayang gabi. Baka bukas na ako umuwi o sa isang araw. Kailangan kasi ng magbabantay sa site. Kami ni pareng Nato ang nakatoka ngayon," ang sabi ni Arman sa kanyang asawa.

"O sige, mag-iingat kayo duon ha at kumain ka sa oras," ang tugon naman ni Rosa.

"Arnel, anak, ikaw na muna bahala sa Nanay mo at sa kapatid mo ah," bilin pa ni Arman sa panganay.

"Opo, Tay," tugon ng binatilyo.

"Robert, hwag kang magpapasaway dito," bilin pa ni Arman bago siya tuluyang umalis.

***
Natapos ang isang araw ng nakakapagod na trabaho sa construction site kung saan namamasukan si Arman. Sila ni Nato ang nakatokang maiwan para magbantay sa site nang gabing iyon, ngunit nagkasakit ang anak ni Nato at kinailangan niyang umuwi.

"P're, pasensya ka na kailangan kong umuwi. May sakit ang anak ko at kailangan ni misis ng katulong sa pagbabantay," ang sabi ni Nato.

"Ayos lang, p're. Kaya ko naman dito," ang sagot ni Arman.

Hindi na nagawang makipagrelyebo ni Nato sa iba nilang mga kasamahan dahil nakauwi na ang mga ito kaya nang gabing iyon ay mag-isang naiwan si Arman upang magbantay ng construction site.

Matapos makapagpahinga ay nagsaing na si Arman at naghanda ng kanyang makakain. May natira pa sa nilutong ulam na pinagsaluhan nila ng kanyang mga kasamahan kaninang tanghalian. Matapos maluto ng kanin ay agad na siyang kumain ng hapunan. Binuksan niya ang isa sa mga bote ng beer na dapat sana ay pagsasaluhan nila ng kumpareng si Nato. Saglit siyang nagpahinga habang nilalagok ang beer. Pagkaubos ng isang bote ay tumungo na siya sa kanilang makeshift na banyo na yari sa pinagtagni-tagning yero at plywood upang duon ay maligo.

Agad niyang hinubad ang kanyang mga damit na puno ng pawis at alikabok. Mula sa malaking drum ay tumabo siya ng tubig at nagsimulang magbuhos. Umagos ang malamig na tubig mula sa kanyang ulo at mukha, pababa sa kanyang malapad na mga balikat na pinatatag ng panahon. Kinuha niya ang sabon at pinabula ito. Kinuskos niya ang sabon sa kanyang mga brasong siksik sa muscle, paakyat sa mga kilikiling may malagong tubo ng buhok. Sinabon din niya ang kanyang malapad at matikas na dibdib. Prominente ang hiwa sa gitna nito na naghihiwalay sa dalawang maumbok na pektoral. Bumaba ang kanyang pagsasabon patungo sa sikmurang tila may mga hulmang pandesal. Tuloy ang kanyang pagsasabon hanggang sa marating ng mabula niyang mga kamay ang kanyang pag-aari.

Maigi niyang sinabon ang kanyang maselang bahagi. Mula sa magkabilang singit, hanggang sa mga bayag, at ang burat na kinahumalingan ng kanyang asawang si Rosa. Nabalot ng madulas na sabon ang kanyang ari.

Arman: Ang Barakong AmaWhere stories live. Discover now