Kabanata 7: Hiling ni Pinsan

8.4K 94 2
                                    

Isang araw, dumalaw ang pinsan ni Arman na si Ruben, 29 taong gulang at nagtatrabaho bilang mensahero sa munisipyo. Habulin ng mga kadalagahan itong si Ruben noong siya'y binata pa dahil na rin sa angking kagwapuhan. Matipuno rin ang kanyang pangangatawan, di man kasing-maskulado gaya ng kay Arman.

"Oh, Ruben, nadalaw ka. Halika tuloy ka," bungad ni Arman sa kanyang pinsan.

Magiliw na pinatuloy ng mag-anak ang kanilang panauhin. Naghanda naman ng kaunting meryenda si Rosa para sa bisita.

"Ang laki na nitong panganay niyo ah," bati ni Ruben nang magmano sa kanya ang mga anak ng pinsan. "Ilang taon ka na ba?" tanong pa niya kay Arnel.

"Dose na po ako," ang tugon ng binatilyong si Arnel.

"Hayskul na yan sa susunod na pasukan. Ang bilis talaga ng panahon ano," sambit ni Arman.

Nagkamustahan ang magpinsan at nagkwentuhan tungkol sa iba't-ibang mga bagay na may kinalaman sa kanilang kabataan, hanggang sa naitanong ni Arman ang pakay ng pinsan sa pagdalaw nito.

"Ano nga palang atin at nadalaw ka?" usisa ni Arman.

"Eh ikaw talaga ang sinadya ko rito, Kuya Arman. Buti na nga lang at naabutan kita at nataong wala kang pasok sa trabaho ngayong araw," ang sabi naman ni Ruben.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong pa ni Arman.

"Eh, pwede bang sa labas na natin pag-usapan," ang pabulong na tugon ni Ruben.

Lumabas ang magpinsan at doon nag-usap sa ilalim ng malabay na puno sa bakuran nila Arman. Sakto rin dahil malamig at presko ang hangin na umiihip sa labas.

"Alam mo namang magtatatlong taon na kaming kasal ni Isay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakabuo. Kung anu-ano na nga ang sinubukan namin. Pero wala pa rin," ang kwento ni Ruben. "Nagpatingin kami sa doktor. Nakakahiya man aminin pero... ako ang may diperensya sa aming dalawa. Mababa raw ang sperm count ko," saad ni Ruben. Mababakas ang lungkot sa kanyang mukha habang inilalahad ang bagay na iyon, tila ba pag-amin ng kanyang kahinaan bilang lalaki, tila isang pagtanggap ng pagkatalo.

"Niresetahan ako ng mga gamot at bitamina. Halos isang taon na kong umiinom ng mga iyon pero wala pa rin. Hindi pa rin kami nakakabuo," dagdag pa ni Ruben. "Gustung-gusto na talaga naming magkaanak ni Isay kaya kahit sa albularyo ay sumangguni na rin kami. Nakausap namin ang albularyong si Mang Hener. May sinabi siyang paraan kung paano ako matutulungan. Pero sa gagawin kong ito, kakailanganin ko ang tulong mo," ang sabi ni Ruben sa kanyang pinsan.

"Handa naman akong tulungan ka, pinsan. Pero ano bang gagawin ko?" ani Arman.

Inilahad ni Ruben ang sinabi sa kanya noon ni Mang Hener. "Ah, kailangan ko raw humingi ng tulong mula sa isang lalaking may malakas na enerhiyang sekswal. Masasabi raw na malakas ang enerhiyang sekswal ng isang lalaki kapag marami na itong anak. Tutal eh nakatatlo ka naman na... at isa pa sabi ni Mang Hener..." Namula si Ruben at tila hindi malaman kung paano itutuloy ang sinasabi. "Ang sabi ni Mang Hener isa rin daw palatandaan ng malakas na enerhiyang sekswal sa lalaki ay ang pagkakaroon ng malaking ari. Alam kong malaki yang iyo pinsan dahil nakita ko na yan noong mga binatilyo tayo, noong madalas tayong maligo sa ilog."

Hindi alam ni Arman kung matatawa ba siya sa sinabing iyon ng kanyang pinsan. Ngunit alam naman niyang seryoso ito dahil gustung gusto na nitong magkaanak. "Paano naman makakatulong iyon sa'yo?" usisa pa niya.

"Kailangan ko raw humingi ng enerhiyang sekswal mula sa isang malakas na lalaki para madagdagan ang sa akin. May alam na ritwal si Mang Hener para maisalin mo sa akin ang ilan sa mga enerhiya mo," paliwanag ni Ruben. "Kung ayos lang sayo, sana ay matulungan mo ako. Pero hindi naman kita pipilitin," ang sabi pa ni Ruben sa pinsan.

Arman: Ang Barakong AmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon