Kabanata 22: Pagtuklas

5.7K 95 21
                                    


Kinakabahan man ay buo na ang loob ni Emil na komprontahin si Juancho at alamin kung siya nga ang nagpapadala ng mga malisyosong liham at mensahe.

Habang patungo siya sa faculty office ay nakita niya ang kanilang vice principal na si Mr. Mendoza na kinagagalitan at binubulyawan ang school custodian nilang si Temyo. Kilalang may pagkaistrikto at masungit itong si Mr. Mendoza kaya't simpleng pagkakamali lang ay agad na nitong napapansin at ikinagagalit.

Magalang at magiliw sa tao si Temyo kaya't hindi maiwasan ni Emil na makaramdam ng awa at simpatya rito. Gayunpaman ay minabuti na niyang dumiretso na lang sa faculty office dahil baka mapansin pa siya ng vice principal at siya naman ang mapag-initan. Pagpasok niya sa opisina ay usap-usapan ng mga guro ang pambubulyaw ni Mr. Mendoza kay Temyo.

Si Emil naman ay tahimik lamang sa kanyang mesa, naghahanap ng tiyempo kung kailan niya kakausapin si Juancho. Sakto namang pagdating ng hapon ay silang dalawa na lamang ang naiwan sa opisina dahil may mga klase na ang mga kasamahan nilang guro. Dito na naglakas loob si Emil na kausapin si Juancho.

"Ah, Juancho, pwede ba kitang makausap?" ang sabi ni Emil paglapit niya sa mesa ng kasamahang guro.

Payamot namang lumingon si Juancho. "Bakit Emil? Anong kailangan mo?"

"Gusto ko lang sanang may linawin. Nung minsang dumalaw rito si Mrs. Perez, yung sinabi mong magulang ng mga estudyante ang kinukursunada ko. Ano bang gusto mong palabasin duon?" buong lakas loob na pagtatanong ni Emil.

Napangisi si Juancho sa sinabing iyon ni Emil. "Ang tagal na nun ah, bakit naman bigla mong natanong," sambit niya.

"Gusto ko lang malaman kung ano bang gusto mong sabihin? Ano bang nalalaman mo?" wika ni Emil. Hindi niya mapigilan ang silakbo ng damdamin na mababakas sa pagtaas ng tono ng kanyang boses.

Isang matalim na tingin ang naging tugon ni Juancho. "Gusto mong malaman kung anong ibig kong sabihin? Sipsip ka sa mga magulang ng mga estudyante."

"Ha? Hindi totoo yan," sagot ni Emil sa paratang ng kapwa guro.

"Anong hindi totoo? Eh panay ang pagpapalapad mo ng papel sa mga parents di ba? Bakit? Gusto mong magpabida at mapromote?"

"Wala akong alam sa binibintang mo, Sir Juancho. Kung malapit man ako sa mga magulang, yon ay dahil pinapakisamahan ko lang sila nang mabuti para na rin sa mga estudyante natin. Hwag mong lagyan ng kulay at malisya ang mabuting pakikitungo ko sa mga magulang," pagtatanggol ni Emil sa kanyang sarili. "Noon pa man ramdam ko na parang ayaw mo sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kung may alam ka man o kung may nagawa akong mali, sana ay kausapin mo ako at sabihin mo sa akin, hindi iyong nag-iiwan ka ng malisyosong liham sa mesa ko," dugtong pa niya.

"Anong liham yang sinasabi mo? Wala akong nalalaman dyan," ang sabi naman ni Juancho.

"Hwag mo nang ikaila. Hindi ba't ikaw yung nag-iwan ng liham sa mesa ko pati yung naabutan kong nakasulat sa blackboard," ang sabi pa ni Emil.

"Anong liham? Anong nakasulat sa blackboard? Hindi ko nga alam yang mga pinagsasabi mo," ang paangil na tugon ni Juancho.

"Hindi mo alam?" ang nasambit ni Emil.

Base sa naging reaksyon ni Juancho ay mukhang wala nga talaga itong nalalaman.

"Ah, kalimutan mo na lang yung sinabi ko," wika ni Emil na bumalik na lamang sa kanyang mesa.


***
Tinupad ni Arman ang pangako niya sa kaibigang si Dante na bisitahin at kamustahin ang lagay ng kanyang Tiyo Peping. Isang araw na wala siyang pasok sa trabaho ay naisipan niyang dalawin ang tiyuhin ng kaibigan.

Arman: Ang Barakong AmaWhere stories live. Discover now