Chapter 55

149 9 0
                                    

Chapter 55
Father

"Ang ganda ganda naman ng anak ko." Puri ko sa kanya habang binibihisan ng dress na bulaklakin.

Katatapos nya lang kumain at ngayon. Maaga akong magising para mag luto ng sweet spaghetti. Nagulat ako dahil sobra nya yun nagustuhan. Ang dami nyang kinain at tuwang tuwa sya. Naging makalat ang pagkain nya noon dahil nahirapan sya sa pasta.

Kaya naman ay pinaliguan ko na.
Natawa ako nang maalalang iyon din ang paborito nang kanyang ama.

"Kiss kiss!" Ani Andra. She stretched her both arm as if asking me to lift her up.
Ginawa ko iyo. At pinapak sya ng halik sa pisngi. She giggled.

"Tama na yan Krisha ako na kay Andra, pumasok kana at malalate kapa." Bawal sa akin ni Trisha. Kinuha nya sa akin ang anak.

Andra resisted at first. Pero wala din nagawa.
Binigyan ko sya ng halik sa noo at saka nagpa alam na sa kanila .

Si Mommy ay umuwi na ng pinas nang mag isang taon si Andra. Pero madalas padin ang bisita dito nila Daddy. Si Aldrich ay malaki na din at malaki na ang iniba ng itsura.

Nagkaron na ako ng trabaho dito sa London sa Company nila Theo. Sikat ang Company nila dahil sa mga magagandang furniture. Kadalasan ay malalaking hotel, restaurant at resort ang mga customer nila.
Sa Finance department ako na assign.

Nag mamadali pa akong pumasok sa elevator nang makasabay ko si Olivia.
She was wearing a corporate attire. White suit with black slacks. Sabay kaming pumasok sa elevator.
Masayang bumati si Olivia sakin at kinukwento nanaman nya ang Pinoy Admirer nya. Ipinakilala ko kasi sya kay Azul. Ang loko kasi ay laging nag chachat sa akin at nag tatanong kung may mai rereto ako sa kanya.

Araw araw ay ganito ang set-up. Papasok sa trabaho, uuwi aalagaan si Andra , matutulog and the next day same routine.

Nakakapag pahinga lang ako kapag Sabado at linggo.
Si Theo ay sumuko na din sa pag papapansin sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sumuko na din akong magmahal ulit. Tanging si Andra ngayon ang focus ko.

Sa totoo lang ay ayaw pa akong pag trabahuhin nila Mommy, sobra sobra naman ang ipinadadala nilang pera para samin dito sa London. Pero baka takasan naman ako ng bait kung wala akong gagawin at nasa bahay lang.

Si Trisha lang ang matiyagang ayaw mag trabaho. Pasalamat ko na din iyon dahil may nagbabantay sa anak ko kapag nasa trabaho ako.

Pumasok ako sa coffee shop isang umaga pagkatapos mag jogging. Malapit lang itong coffee shop sa bahay namin. Nag text din si Trisha na pupunta sila dito dahil gusto daw ni Andra ng cake.
Bumili ako ng caramel macchiato at ng cake para kay Andra, hihintayin ko nalang sila dito habang nagkakape.
Tiningnan ko ang cellphone ko at napangiti sa picture ng wallpaper ng phone ko. Si Andra.
Tumunog ang bell ng pinto hudyat na may pumasok. Napatingin ako dito inaabangan ang pag dating nila Trisha.

Nawala nga ngiti ko nang makita ang pamilyar na muka.
Napatingin din ito sakin.
"Callen." Bulong ko pero ako lang ang nakarinig.
Kumunot ang noo nito na parang nag iisip. Pagkatapos ay nanalaki ang mata na para bang natumpak kung ano man ang iniisip nya kanina. Malamang ay natatandaan o nakilala ako.

Gusto ko man magtago ay huli na ang lahat. Nagpalinga linga ako sa kaba na baka kasama nya ang kaibigan.
Pero iba ang nakita ko. Si Trisha na buhat buhat ang anak ko.
Hindi nako mapakali sa inuupuan ko. Gusto ko nang umalis. Aktong lalapit sa akin si Callen nang nagmadali na akong tumayo. Gusto nang umalis! I need to get out of here soon!

"Krisha? Is that you! Damn it, we finally found you!" Ani Callen na parang naka jackpot.

What the hell! Anong We? May kasama sya? Sino!?

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt