Chapter 29

512 27 2
                                    

Chapter 29

Mabilis silang napaharap sakin, mga kabado ang muka.

"Ma, anong problema? Josh? Anong nangyari sayo? Anong ginagawa mo dito?"

Kunot noong taong ko sa kanila. Hinawakan ni Josh ang gilid ng labi nya na may pasa at tumingin lang sa sahig, hindi man lang nya sinagot yung tanong ko.

"Mommy ano to?" Baling ko kay mommy, napalunok sya.

"Anak, a-ano nakita namin si Josh, nakikipag away sa malapit dito kaya inawat namin tapos ano, ayun inuwi namin dito." Kinakabahang sabi ni Mommy.

Tumaas ang kilay ko at bumaling kay Josh, "Eh ano dating ikaw na ibabalik mo mommy?"

"Ay! nako ayun ba? Haha nako kasi kayo diba gagawa ng movie nag ta-try din kami nitong Tita biatrice mo na mag acting-acting"

"Mommy, music video po yung gagawin namin at hindi yang may script pa." Tamad kong sagot.

Saka pa ako umirap, nakita kong lalakad papalapit sakin si Josh sakin, kaya tumalikod nako agad at nagpunta sa kusina para makakuha ng makakain.

"Please Josh, wag mong bwisitin o biruin ako ngayon, baka masapak kita" Sabi ko na agad sa kanya, habang nag hahanap ng pagkain sa ref.

"I'm sorry, kung nakukulitan kana pala sakin"

Malamig ang pag kakasabi nya kaya napatingin ako sa kanya sabay sara ng ref.

"Hindi ba halata? Alam mo kasi Josh sa totoo lang? Naguguluhan nako sa mga nangyayari. Walang linaw ang lahat kahit ano pang paliwag mo nagugulo padin tong utak ko"

"Im sorry"

Yun lang ang naisagot nya sakin at tumingin ulit sa sahig. Napaawang yung bibig. Itong Josh na kaharap ko ngayon ang Josh na nakilala ko dati. Bakit ganito? Alien ba sya? Nag babago ang ugali? Lumapit ako sa kanya.

"Josh, walang halong biro, halika mag usap tayo. Yung siryoso, wag mokong tatakutin sa mga weird mong ugali. Sabihin mo sakin yung totoo"

Pagkasabi ko nun, tumingin sya sakin, nanginginig yung mga mata nya. Kaya napalunok ako. Wrong move ata ako. Mas lalo akong kinabahan. Pagod na pagod nyang kong tiningnan. Umigting ang kanyang panga at nag iwas ng tingin.

"Krisha," Pumiyok sya! "Before I left I already had feelings for you, para kong pinapatay nung umalis ako nang hindi nakapag paalam sayo. Nung uuwi ako, naisip ko may Light kana, pano nako? How can i fight for you if I know he's the one you want? Lahat ng ipinaliwanag ko sayo Krisha totoo. Lahat yun walang biro."

Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi nya.

"Josh"

Wala akong masabing iba.

Lumapit pa sya lalo sakin, napaatras ako. "Krisha, higit sa lahat gusto kitang protektahan kaya ako bumalik agad."

"Ha?" Nablangko ako sa sinabi nya. Bigla syang pumikit ng madiin at tumingin sa mga mata ko.

"No matter what happen Krisha, hindi kita ibibigay sa kanila!"

"What are you talking about ?" Tanong ko.
Huminga sya ng malalim.

"Nagugutom kaba? Gusto mo bang ipag luto kita ng Kare-kare?" Tanong nya.

Napangiti ako "Sige magluto ka"

"Okay" Tapos ay pinakeelaman na nya yung kusina. Habang tinitingnan ko sya. Alam ko wala pang closure tong usapan namin. Kaya mag tatanong pako.

"So totoong gusto mo ako?"

"Oo nga ang kulit" Napanguso ako. Pinipigilan ang pag ngiti.

"Pano yun? Di kita gusto" Napahinto sya sa ginagawa nya at tumingin sakin.

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Where stories live. Discover now