Chapter 43

358 17 5
                                    


Chapter 43

Nangangatog ang aking binti na hinahanap si Josh, ngayon kasi namin gagawin ang plano, ang mga nakakasalubong ko naman masayang binabati ako.

"Happy birthday Krisha, nasaan ang kakambal mo para para makabati na din ako." Wika nang matanda na business partner ni Daddy.

Ganun din ang iba kong nakakasalubong.

Inikot ko ang mata ko at iba't-ibang matataas na tayo ang nakikita ko, ilan sa kanila ay hawak ang pinaka malalaking kompanya sa industriya.

Natanaw ko pa si Trisha na madami ding bumabati sa kanya. Pareho ang design ng aming damit, kulay lang ang pinagka iba.

Napatingin ako kay daddy na busy sa pakikipag usap sa ilang business man. May dumaan na waiter na may dalang wine kaya hinablot ko yung isang dala nya mula sa tray at mabilis kong ininom yon. Kaya ko ba? Itutuloy ko ba?

Sa pag ikot-ikot ko ay sa wakas nakita ko sya, nagtama ang mga mata namin. Malakas ang music dito sa party, ngunit rinig ko ang tawa nya mula dito nang iiwas nya sakin ang kanyang tingin.

Kausap nya ngayon si Kenneth at Audrey. Tiningnan ko si Audrey, muka atang nagkulang sa tela ang kanyang damit. May suoot syang Dress na silver, at may tatlong parang tupi sa kanyang dibdib, parang alon alon ito pero naka pa vneck ang design, fit ito sa kanya para makita lalo na ang,,, yeah sexy sya.

Sa likod naman nya ay wala nang tela kaya kitang kita ang kabuuan ng kanyang likod, wala din syng suot na bra, dahil ganun ang design ng kanyang damit. Naka taas ang kanyang buhok at may konting palawut sa kanyang patilya.

Napatingin ako sa suot kong damit. Dapat pala yung mas sexy ang design na gown ang sinuot namin ni Trisha.

Nakakainis!

Tumingin ako sa gawi nila, tuwang tuwa si Josh na kausap si Audrey. Wala na si Kenneth sa tabi nila.
Ang sakit pala. Nag seselos ako oo aaminin ko na, ayokong nakikita sya na masaya sa iba.

Tumakad ako palayo, Itutuloy ko paba ang mga plano ko? Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang pag iyak. Sana kasi noon pa na sinusuyo nya ako ay bumigay na ako, sana hindi nako nag tanong, para sana kaming dalawa yung magkasama ngayon at masaya na nag tatawanan. Ang hirap pala. Pumikit ako at inalala ang nangyari sa huling practice namin sa shooting range.

Sa pag putok ng baril ay mabilis akong pumikit, dahil sa ika ilang beses ko ng pag kalabit dito ay hindi ko nanaman natamaan ang target. Gigil na gigil na ako isang linggo na kaming nag papractice pero hindi padin ako humuhusay!

"Mali!"

Napalunok ako ng sunod sunod sa pag sigaw ni Josh at itinapat ulit ang baril sa target. Nakaka sampong bala nako pero kahit ang puting bakal na target ay hindi ko matamaan.

"Eh pano ba gagawin ko? Ang liit liit kaya ng target oh. Utos ka ng utos dyan! Feeling ko naman nakatutuok ako ng maayos sa target ko hindi ko maintindihan bakit kapag kakalabit nako tumataas yung baril sa ibang pwesto tuloy tumataba ang bala! Ano ba kasi to bakit tumatalon!"

Maiyak iyak kong sabi sa kanya at para kong bata na nag susumbong. Napabuntong hininga sya, at nagulat ako sa dahan dahan nyang paglapit at mula sa aking likuran ay hinawakan nya ang dalawa kong kamay na may hawak ng baril. Tinaas nya ang kamay nya na dalawa ang kamay ko.

"Ganto ang pag asinta, bawal manginig. Bawal mang gigil. Just relax. focus on your target, wag kang matakot sa lakas ng putok na maririnig mo. Then go!"

Pagkasabi nya nun ay ipinutok ko ang baril na hawak ko.

Wala at hindi padin tumama.

"Isa pa"

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon