Chapter 38

380 22 5
                                    

Chapter 38

"So, anong mga hilig mo Krish? Ako, mahilig kasi akong mag night life."

"Wala akong pake" Sagot ko naman sa kanina pa nangungulit na si Zero.

"Ahh ikaw nalang ang mag kwento"
Pangungulit nanaman nya

"Hindi ako mahilig mag kwento, may radio dyan sa taas yun nalang kausapin mo."
Pag susungit ko dito.

"Teka sandali lang Krisha, im sorry sige sa di na kita kukulitin, pero kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."

Inirapan ko lang sya, at naglakad palayo sa kanya, ang hina hina ng hakbang ko, nanghihina ako, nandito na ako ngayon sa school namin at bumisita si Zero dito, kumakain lang ako sa Cafeteria nang bumulaga sya sa harap ko. wala kasi akong kasamang kumain ngayon dahil ipinasa nila Trisha ang Project na ginawa nila, na hindi ko alam kung ano na ang naging plot ng story dahil umalis ako.

Lalo akong nanghina nang inalala ang lahat bago ako umalis duon.

Agad kong binuksan yung pinto, halata sa kanyang muka ang pagka gulat, bumukas ang kanyang bibig ng bahagya na parang nag hahanap ng salita na lalabas dito ngunit bigo sya.

Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng dibdib ko. Oo nga siguro nga, mahal ko natong taong to! Oo mahal ko na sya, ngayon ko tuluyang na realize. Dahil grabe yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"You know what Josh! Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko! Maling mali! Ansakit Josh! sobra! Bakit kailangan mong itago sakin! Okay lang sana kung si Roxanne nalang eh, pero all this time mas magka kilala kayo? Tama ba ko? Sabihin mo nga sakin Josh, plano lang ba yung inaapi api ka non? Plano lang ba na kunwari panget ka at pagwapuhin kita? O hindi rin totoo na sweet ka sakin at ginagawa mo lang yun dahil eto? May trabaho ka! Trabaho nyo pala ko josh?" Tumawa ako ng mapait.

Ewan ko ba kung san ko napag kukuha yun, basta naimagine ko lang kahit wala pang nababanggit si Roxxane.
Hinihingal nako sa pag iyak ko nang bigla nya kong yakapin.

Tanging pag hikbi nalang ang nagawa ko pagkatapos kong magsalita.

"Im so sorry Krish mali ka sa mga iniisip mo, hindi ka namin trabaho. Mahal ka namin kaya namin ginagawa to, ayaw ka naming mapahamak please Krisha patawarin mo ko." Pag susumamo ni Josh. Umiling ako.

"Kung wala kayong ginagawang mali, hindi nyo to itatago sakin, alam mo Josh! Pinag muka mokong tanga!"

Tinulak ko sya at mabilis na bumaba sa hagdan. Narinig ko pang tinatawag nila ko.

"Ay bakla! Come here na at makipag kilala tayo dun sa mga papabols nakakita ako ng lima ang yayammy bakla!"

Pagharang sakin ni bakla, hindi ko pinansin ang pag lalandi nya ang hinatak ko sya, nag Punta kami sa malayong resort at dun nag check-in, tumawag ako sa driver ko at nagpasundo.

Dalawa lang kami sa bangka patawid kung nasaan ang sundo namin.
Tanong na sya ng tanong ngunit hindi ako makapag salita iyak lang ang nagawa.

Mabilis akong sumakay sa aming sasakyan pag baba ng bangka.

"Bakla ka, wala pa tayong ligo! iniwan ko ang bahay ko para sayo, now tell me what's goin on here" nag hihisterya nyang tanong.

Papadyak padyak pa ang kaliwa nyang paa, nakapamewang naman ang kanyang kanan na kamay.

"Now, go na,"

Hirit pa nya. at kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari, nung umpisa nagulat din sya, kakausapin daw nya ang mga magulang nya, minsan nakukuha nya pang mag biro, kaya daw pala minsan feeling nya kasing lakas nya si Darna, o minsan baka daw sya talaga si Darna. Kasi ang mga magulang nya ay Malalakas pala.

Hanggang sa pag uwi sa bahay ay iyak ang nagawa ko. Hindi ko kinausap kahit sino sa bahay sa bahay namin.

Huminga ako ng malalim at dumiretso na sa paglalakad sa school. Papasok na ako sa next subject ko. Mabuti at hindi naman na ako kinulit ni Zero.

"Huy kapatid alam mo ba nakita ko si Josh! Magkasama sila ni Roxanne. Sila naba?"

Bungad sakin ni Trisha. Hindi ko sya sinagot at umupo nalang sa desk ko. Limang minuto nalang at mag uumpisa na ulit ang klase ko.

"Umusog ka nga dun, at wag kang maingay ha baka ka makain ng nag wawalang sawa!"

Pananakot na may halong joke na sabi ni Brix sa kapatid ko. Hinampas naman ni Trisha si Brix sa braso tapos.

"Ikaw ang ipapakain ko sa sawa landi ka" Tugon sa kanya ni Trisha na natatawa pa.

"Ay bet ko yan girl! Anong klaseng sawa? grrrrrrrr"
Sagot pa ng bakla, pareho kaming kinulabutan ni Trisha sa sinabi ni Brix.

Natahimik lang kami ng dumating si Kylie, sa likod nya ay si Moises.

Nakataas naman ang kilay ni Brix sa dalawa, at parang tangang pinag palit palit ang tingin sa dalawa.

Masama ang timpla ng mood ni Kylie. Inirapan nya si Moises na malungkot ang mata na umalis pagkatapos syang talikuran ni Kylie.

Biglang syang tumingin sa mga ulap sa labas ng bintana.

"May something sa mga ulap ano Trisha, parang ang dilim, may namumuong bagyo ata ano? palagay mo?"
Tanong ni Brix .

"Palagay ko nga," Sagot naman ng kapatid ko.

Tumingin ako sa ulap, tirik na tirik ang araw.

"Mga abnormal kayo, tirik na tirik ang araw oh, asan ang bagyo dyan?"

Sagot ko naman.

Umupo na si kylie na tahimik padin.

"Tanga mo Krish, naapektuhan naba ng puso mo yang utak mo? Hina mo na maka getchinglalu"

Pahabol ni Brix. Napatingin pa ulit kami sa pinto nang pumasok si Josh. May hawak na gitara.

"At ayan na ang sanhi"
bulong nya
Sa likod ni Josh ay sumunod ang tatlong kaibigan ko. Si
Craven, si Ryan at si Azul. mga hinayupak! ano to!

Napa ayos ako ng pagkaka upo .

"OH MY GOSH!!!! haharanahin nya ko!"
Sigaw agad ni Leila.

Sinabihan tuloy sya ng iba naming classmate na ang swerte daw talaga nya at bagay sila lalo na pag nag momodel na sila.

Mukang uuwi ako ng maaga nito ah, kinuha ko ang bag ko at aambang lalabas.

"Wait Krisha, this is for you, not for leila,"

Pahabol nya sakin, napapikit ako nang magtilian ang mga classmate ko, may iba nading naka dungaw sa binta na ibang section na nakiki usyoso.

wala akong kawala kahit lumabas ako dahil maiipit nila ko wala na kasing daanan sa pinto.

Kill me now!

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Место, где живут истории. Откройте их для себя