Chapter 27

591 27 1
                                    

Chapter 27

Kinagabihan tahimik lang kaming nag sasalo-salo sa napakahaba naming lamesa. Kasama ang Family friend namin.

"Krisha, bakit hindi mo subukang mag aral sa U.S kasama si Roxane?"

Tanong ni Daddy sakin, kinunutan ko sya ng noo.

"Dad? Seriously? U.S? Ayoko nga, bakit kailangan pang dun ako mag aral? Ayos nako dito."

Sagot ko sa kanya at tinuloy na ang pagkain ko, napatingin ako kay Roxane, nakatahimik lang sya at pinag lalaruan ang pagkain nya.

"Kita mo si Roxane, nag aral lang sa U.S. pinag lalaruan na yung pagkain nya, ayoko ng ganyan Dad."

Saka pa ako umirap. Si Roxane naman ay parang naaligaga at natauhan kaya nagsimula nading kumain.

"Krisha Hija, may nanliligaw naba sayo?" Nakangiting tanong sakin ni Tita Jessie.

"Oh my! Yes tita! May nanliligaw na dyan!"
Malakas at natatawang sumbong ng kakambal ko kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Anak! Bakit hindi ko alam to?"

Napapitlag naman ako sa sigaw ni Mommy. Hindi ko alam kung ano bang isasagot ko sa kanya, bakit nga ba hindi paa ako nililigawan ni Light sa bahay.

"Yung pinsan ni Brix yung nanliligaw sa kanya"
Sumbong nanaman ng kapatid ko.

"Ahhh oo si Light? Tama ba ko?" Tanong ni Daddy.

Tumango-tango ako.

"Hindi ba anak nagka away kayo nun nang huling punta nya dito? Medyo matagal nadin yun, naikwento lang ni Aldrich." Tumango ulit ako. Lagit sakin ang batang iyon pag nakita ko.

"Bati na sila My" Sigaw nanaman ni Trisha. Isa pa ito! Lagot ka sakin mamaya.

Sige sila nalang mag usap. Tutal si Trish naman ang sagot ng sagot nakakabanas.

"Mommy, masama po yung pakiramdam ko, pwede po bang mauna na ko sa taas?"

Tumingin silang lahat sakin.

"Ah eh sure anak, sige magpahinga kana"

Humalik muna ako kay Dad at kay Mommy. "Mga tito, Tita, pasensya napo mauuna napo ako sa taas"

Paumanhin ko sa kanila bago pumanik sa taas.
Naglinis muna ako ng katawan bago nahiga sa kama ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet ko para i-check kung may nagtxt.

At tama ako, isang txt galing kay Josh, at dalawang txt galing kay Light.

JOSH

"Im sorry for what happened earlier. Gusto ko lang din sabihin sayo na please mag ingat ka sa mga taong nakakasama mo, wag kang masyadong mag tiwala."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Josh. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Baka wrong send. Dene-lete ko na yung txt nya at binasa naman yung kay Light.

LIGHT

"Don't forget our date, sa sabado ah"

"Kumain kana bee?"

Nag reply ako agad

Ako

"Yes kakatapos ko lang kumain."

Oo inaamin ko ang mais nya, kung ibang lalaki lang ang magtetxt sakin ng ganyan baka nasakal ko na at nasuka nako sa pandidiri. Pero BEE Daw!!! Tawag nya ba sakin yun?

Nagreply ulit ako dahil kinikilig ako.

Ako

"Ano yung bee?"

Pagkatanong ko nun matagal bago sya magreply, naka limang minuto na ata akong naka tingin sa kisame pero wala padin akong natatanggap na txt.

Sampong minuto na wala padin, naiinis nako!.

"Hey"

Txt ko ulit sa kanya pero wala padin.

Nagpasya akong pumikit nalang dahil medyo inaantok nadin ako.

"Anak! Wake up! Late kana!"

Nagulantang ako sa tawag ni mommy kaya agad akong napabangon, sumakit bigla yung ulo ko dahil doon kaya naman agad na lumapit sakin si mommy at hinilot ang sintido ko.

"Bakit kasi agad bumabangon, tsk!"

Pag aalala nya. Humarap ako sa kanya habang hinihilot nya ang ulo ko. "Mom! bakit kasi mang gigising lang kailangan pang humiyaw ng bongga, syempre agad akong babangon dahil sa kaba"

Sinimangutan naman ako ni mommy, "O sige na, late kana, bumangon ka na diyan at gumayak kana, iniwan kana ni Trisha"

"WHAT!"

Ako naman ang napasigaw kaya naman napahawak si mommy sa dibdib nya at umaktong nagulat dahil sa sigaw ko.

"Wag kang sumigaw! Sige mag mabagal kapa anak lalo kang male-late"

Sabi nya kaya agad akong tumayo sa kama at tumakbo papasok sa cr ko. Pagkatapos kong gumayak ay hindi nako kumain. Nagpolbo lang ako at lip-gloss.

Habang nasa sasakyan ay chi-neck ko ang phone ko. Si Josh may Msg. Pero si Light wala padin.

Napasimangot ako dahil dun.

Binasa ko nalang yung txt ni Josh.

"Goodmorning baby"

Badtrip talaga! Wala nangang txt si Light! Nang aasar patong si Josh!

Pag dating sa school. Tapos na ang first subject ko. Great! Napakagaling! Ngiting ngiti naman akong sinalubong ni Trisha. Kaya hinatak ko nang pabiro ang buhok nya dahil nakaka asar ang pag mumuka nya.

"Aray! Ano ba! Makahatak ng buhok!"

Reklamo nya sabay suklay ng buhok nyang mahaba gamit ang kanyang mga daliri.

"Bat moko iniwan" Reklamo ko din saka ko sya sinimangutan.

"Bakit kasi late ka gumising?"

"Eh bakit di moko ginising!" Nakakainis natong kambal kong ito.

"Ehem, bago kayo mag talakan mag kapatid, pwede bang makinig na kayo sakin? Magtuturo nako, pwede?" Napalingon kami ni Trisha sa harap. Si Maam Velasco pala.

Nag irapan kami ni Trisha bago makinig sa pag tuturo ng teacher namin. Biglang tumunog yung phone ko.

Excited kong binuksan ito dahil baka si Light na. At halos maging puso yung mata ko dahil name ni Light at lumabas sa screen ng cellphone ko.

"Goodmorning <3.Sorry bee, nakatulugan kita kagabi. Pumasok kaba?"

"Ok lang po, goodmorning din, nalate nga ako eh"

Reply ko sakanya, sinabi ko nang OK dahil ayokong mag inarte. Pero santisima. Isang Krisha Louis Jung Kim! Tutulugan sa txt? OMG! Nag iisa lang sya, medyo nakakainsulto, pero dahil gusto ko sya, okay sige. Iintindihin ko dahil baka antok na antok na talaga sya.

"Krisha, pwedeng paki share yung pinag uusapan nyo ng katxt mo?"

Maarteng sabi ni Maam Velasco. Nakapamengwang pa sya at nakakunot ang noo na nakatingin sa cellphone ko.

Mabilis akong umiling at tinago na yung phone ko.

Naramdaman kong may nagtext kaya naman nung tumalikod na si maam ay pasimple kong chineck kung sino iyon.

Josh

"Hindi moko nirereplyan :'("

Si Josh yun, kaya naman napatingin ako sa gawin nya. Bigla akong kinilabutan dahil sa kakaiba nyang titig saakin. Malalim ito at mukang malungkot sya. Titig na titig sya sakin at para akong lalamunin ng buhay kaya naman ako na ang nag iwas ng tingin sa kanya. Bigla nanaman syang nagtxt.

"Bakit hindi ka makatagal na tingnan ako? Nakakainis! One sided lang ako! Mahal kita pero may mahal kang iba. Selos na selos na ako, wag naman puro sya! Isali mo naman ako"

Nawindang ako sa txt nya kaya tinago ko na yung phone ko at nakinig nalang sa teacher ko kahit na wala namang lesson na pumapasok sa utak ko. Dahil sa oras na ito ginulo nakong lahat ni Josh.

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Where stories live. Discover now