Chapter 13

708 34 0
                                    

Chapter 13

"Ready naba lahat? Ako'y init na init na baka naman pwedeng bilisan nyo naman? Next time ayoko na dito sa Pilipinas tumira! Gusto ko na sa Alaska ! May gatas na malamig pa!

Pag didiwara ni Brix. Abot ang paypay nya habang ipinapasok namin yung ga-gamitin namin para sa Subic sa SUV

"Eh kung tadyakan kaya kita dyan! Wag kang mag inarte dyan! Tumulong ka dito!"

Sabay pitik ko sa noo nya hinimas himas nya lang yun saka sya tumingin ng masama sakin.

"Oh water. Masyado nanaman mainit ang ulo mo"
Nagulat pa ako nang makalapit si Josh. May dalang mineral water.
Nahihiya ko pa itong kinuha. Tumaas naman ang gilid ng labi nya.

"Salamat" Saka ko kinuha yung tubig at ininom.

"Talaga bang aalis kana Josh? Hindi kanaba mapipigilan"

Tanong sa kanya ni bakla. Nginitian lang sya nito bilang sagot saka tumingin sakin.

"Babalik padin naman ako eh, Babalikan ko pa kayo."
Nakatitig sya sakin habang sinasabi iyon, at pinagpatuloy na ang ginagawang pag pasok ng mga gamit sa SUV.

"Talaga papa Josh? Nako hindi ako mag a-asawa agad hihintayin ko ang muli mong pagbabalik." Tuwang tuwa na sabi ni Brix. Nakakunot ang aking noo dahil sa init ng araw. Nararamdaman ko din ang tulo ng pawis sa aking noo.

Tamang ngayon kami mag swimming dahil ang init nga ngayon. Naisama pa namin ngayon ang iba pa naming mga kaibigan.
Si, Craven, Ryan at Azul.
Mga anak ng family friend namin. Na doon din nag sisipag aral sa amin.

Matagal din ang byahe papuntang Subic kaya natulog muna ako.

"Hey Krisha. Krish"

Napadilat ako sa tumawag sakin. Antok na antok pako kaya pumikit ulit ako at tinalikuran si Josh na gumigising sakin.

"Tsk nag puyat kaba kagabe? Buhatin nanga kita"
Yes! Napuyat ako kakaisip sa tawagan natin kagabi! Gusto kong isigaw sa kanya yon pero syempre hindi ko gagawin. Ano ako? Buang?
Napatili nalang ako nang bigla nya akong buhatin.

"Oy ano sa tingin mo yang ginagawa mo ha! Ibaba mo nga ako!"

"Wag kang malikot! Hoy hindi ka magaan ha!" Humalakhak pa ito. Nakakaasar!

"Eh sino ba kasing nag sabi sayong buhatin mo ko! Ibaba mo ako! Bitawan mo na ko ano ba!" Piglas ko pero natatawa na din ako. Pinigilan ko ang pag tawa at sumiryoso.

Tumingin ako sa kanya ng masama nagtama yung mata naming dalawa. Hindi ko alam parang huminto yung oras, nakita kong gumalaw yung adam's apple nya, parang nahirapan sa pag hinga at nag iwas ng tingin sa akin.

Bigla nya akong binagsak! Oo binagsak nya ako!
Hinimas himas ko yung pang upo ko leche talaga!

"Bakit moko binaba! Nakakaasar ka!" Singhal ko sa kanya.
Saka ko sya sinamaan ng tingin.

"Diba sabi mo ibaba kita, sabi mo bitawan kita."
Hindi sya makatingin sa akin ay parang naiirita.

"Letche ka!" Sigaw ko.

Saka ko sya iniwan dun pumasok nalang ako sa rest house namin. Saka ako dun pumasok sa kwarto ko at nahiga.

Nilagay ko yung braso ko sa noo ko, Bakit ko ba sya tinutulungan? Hindi naman ako ganito dati eh. Lagi naman akong walang pakeelam sa iba. Minsan nga natutuwa pakong nasasaktan sila, pero bakit pag dating kay Josh lahit naaasar ako sa kanya may something sakin na gusto ko syang tulungan, ang gaan ng loob ko sa kanya kahit nakakabusit pa sya.

Ipinikit ko yung mata ko at pinagpatuloy ang naudlot kong tulog kanina.

"MAY SUNOG!!!!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng sigawan.

"May sunog! Asan ang sunog!"

Sabi ko habang hindi mapakali, pero bigla akong natigilan, dahil lahat sila nakapaikot sakin at nag tatawanan.

"Yung sinaing ko nasunog" Natatawang sabi ni bakla, tapos naghagikgikan sila.

"Tara na kain na tayo."
Aya ni Kylie sakin.

"Si ate para talagang praning, tara na sa baba."
Asar na sabi sakin ni Aldrich kaya sinimangutan ko sya.

"Hoy kambal lika na ayaw pang tatayo eh"
Tapos hinila na ako ni Trisha sa baba. Si Josh ang una kong nakita sa baba, kaya naman pala wala sya sa taas.

"Ayan sya ang nagluto, lahat ng paborito mo sinabi ko sa kanya, at hoy kambal masarap pala tong magluto!"

Mapanuksong sabi ni Trish sakin.

"Oh anong masamang hangin ang pumasok sa isip mo at puro favorite ko ang niluto mo aber? "

Tanong ko kay Josh, ngumiti sya sakin bago sumagot.

"Peace offering po"

Nakangiti nyang sagot, yung dimple nya ang una kong napansin. Gustong-gusto ko talaga yun.

"O sya sige na kain na, Walang lason to ah"tanong ko kahit nag bibiro lang.

"don't worry, I won't poison you." Nangingisi nyang sagot. Napasimangot ako. Bakit parang gusto ko ngayon magpalason sa kanya. Kainis!

Pagkatapos kumain, nagpasya na kaming maligo hapon na din naman saktong palubong ang araw, kaya kasarapan nito sa pag su-swimming, hindi masyadong nakakaitim.

Nag suot ako ng swim wear ko na color white, pareho kami ni Trish ng design pero color black naman yung sa kanya.

Pag labas namin, nakangiti sila samin.

"Kahit kelan talaga yung kambal nato, madalas magkamuka ang suot."
Ani Brix.

Gusto kong natawa nang makita sya. Naka short naman sya ng panlalaki pero may suot din syang bra!

"Anong tawag mo dyan sa suot mo bakla? Suman ka ha"
Tapos nag tawanan kami.

"Ang sexy mo talaga Krish, I love you!"

Natatawang sabi ni Ryan, nginitian ko sya.

"I love you too, bro"

Diniinan ko talaga ang pag sasabi ng "BRO" para dama nya.

"ASAR!!! Bakit may BRO pa!" naiinis na sabi nya kaya nag tawanan nanaman kami.

I heard Josh clearing his throat. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito at umiigying ang panga. Anong problema ng isang ito? Matigas na titig ang binibigay nya sa akin.

"Wag moko masyadong tingnan baka ma-inlove ka." Biro ko sa kanya. Baka sakaling alisan na nya ko ng tingin.

"Pag sinabi ko bang oo, maniniwala ka?" Naiirita nyang sagot.
Napatahimik kaming lahat, napalunok ako ng sunod sunod.

Kinakanahan ako. Ano bang pwede isagot?

"Hindi syempre!" Sagot ko saka tumawa para hindi mahalata na tensyonado na ako.

Kumunot ang kanyang noo. Anong kinaiinis nito?
"Tsk" naiinis nya pang sabi tapos ay umalis. Tumungo sya sa dagat at lumangot doon.

"Anong problema non?" Naguguluhan kong sagot.

"Ang pag ibig nga naman." Bubulong bulong sa tabi ko si Brix.

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Where stories live. Discover now