Chapter 21

646 31 3
                                    

Chapter 21

Nakaabang kami ni Aldrich kay Kylie na ngayon ay kasalukuyang bumababa sa kanilang sasakyan. May dala syang isang malaking backpack. Mukang madaming dalang damit ang isang ito.

"Thank you po!" Sabi nya sa kanilang driver at umalis na ang kanilang sasakyan.

"Yow, nandyan na yung iba?" Agad na tanong nya sakin habang nakangiti, lumapit sya sakin at nag beso.

Wala na ang araw at dumating na ang dilim. Tanaw ang buwan ngayon at madami ang bituin sa langit. Sakto at sa labas kami kakain. Sa tabi ng pool namin.

"Actually ikaw yung una, pero malapit nadaw sila Brix kasama yung dalawa" Sabi ko sa kanya habang papunta kami sa likod ng bahay.

Nakasalubong namin sila Mommy na papunta din doon sa aming pool area. Dala nya ang ibang pagkain na ipinahanda nya kay Manang Sitas.

"Hi Tita, makikigulo lang po ah" bati ni Kylie kay Mommy. Habang malaki ang kanyang ngiti. Kahit kailan ay napaka bubbly ng ugali ng isang ito. Itinali nya pa ang kanyang brown curly hair hanggang anit.

"Oh Kylie, sure! Kamusta na pala si Kyle? Your father? matagal tagal nadin kaming hindi nag kakasama ulit."

My Mother ask her while smiling.
I heard my Dad clearing his throat. Nasa likod na pala namin sya at nakasunod sa amin.

"Hello tito." Bati ni Kylie kay Dad. Tumango naman si Daddy sa kanya at ngumiti. "Okay lang po si Papa, kasama nya si Mama ngayon at papunta silang Hongkong para sa business trip." Patuloy pa ni Kylie para sa tanong ni Mommy.

Nang makalapit sa aming lamesa ay nilapag na ni Mommy doon ang mga pagkain.
Lumapit sa kanya si Dad hinapit ang Bewang ni Mommy.

"Hindi ba ay kababalik lang nila sa America? Natuloy din pala ang deal nila sa Hongkong."
Tanong ni Daddy.

Habang nag kuwentuhan sila duon ay iniwan ko muna sila. Kinuha ko ang gamit ni Kylie para ipanik na sa aming guess room kung saan sya matutulog.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na nakalagay sa aking bulsa. Kukunin ko na sana iyon nang makarinig ako nang ingay sa baba. Mukang nandyan na ang ibang bisita ko.

Pag baba ko sa sala ay ang nga lalaking nag tatawanan ang nakita ko. Nag aasaran na sila Craven at Azul ang nandoon. Sa likod nila ay ang papasok palang na si Ryan. May mga dala din silang bag katulad ni Kylie.

"Ito na! Ito na! Dapat pala nagdala tayo ng babae Ryan eh haha damn sayang!"

Masaya ngunit may panghihinayang sa tono ni Craven, baliw talaga tong isa na ito. At hindi papayag ang Mommy duon! Ako ang mapapagalitan!

"Shit bro! Oo nga!" Pag sang ayon naman ni Ryan.

Nanahimik lang sila nang makita ang mga magulang ko. Magalang silang bumati dito.

"Sige na mga hijo, mag enjoy kayo wag kayong mahihiya. Pag may kailangan kayo mag sabi lang kayo kila Trisha o kaya ay kila manang. Aakyat na kami sa taas. Maaga pa kami sa opisina bukas." Paalam ni Mommy

Nakasimangot kong hinarap ang mga lalaki kong kaibigan at iginaya ko sila sa aming pool side kung nasaan sila Trisha.

Patuloy naman ang pag uusap nila tungkol sa mga babae. Minsan ay nagtataka ako kung bakit ko sila naging kaibigan. Pasalamat nalang ako at ni-isa sa amin ni Trisha ay wala silang binabastos.

"Pervert talaga tong tatlong to! Manahimik nga kayo." Saway ko sa kanila.

"Aysus! If i know si Light naman talaga ang hihintayin mo. Naks sis! Baka ikaw pa ang manligaw doon!."
Natatawang sabi ni Trisha.
Napasimangot naman ako sa sinabi ng kapatid ko.

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ