Chapter 45

196 12 1
                                    

Chapter 45

Tulala ako sa sasakyan habang pauwi kami sa amin.
Matagal ko pang na proseso ang lahat. May panganib para sa amin. Sa pamilya ko. At sa amin ni Josh.
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Natatakot ako.
Bakit pa kasi nagkaroon ng organisasyon ang mga magulang ko. At sa akin pa talaga iyon ipamamana. Si Trisha naman daw kasi ang mag mamana ng negosyo namin.

Pwede bang palit nalang? Pero ano naman ang alam ko sa negosyo. Hindi ako honor palagi. Hindi kagaya ng kapatid ko.

"Anak! Sabi ko nanga ba at kayo ang mag kakatuyan"

Tuwang tuwang sabi ni mommy, hinikan ko sya sa pisngi, maging si daddy ay nakangiti din sa akin.
Hindi ko pa naipapakilala ay alam na nila agad. Narinig ko ang halakhak ni Josh sa tabi ko. Inakbayan agad sya ni Dad.

"Halika anak, kwentuhan moko! Hayaan mong si Daddy mo ay umintriga dyan kay Josh! Ang gwapo gwapong bata talaga"

Tuwang tuwang sabi ni Mommy at hinila ako palayo kay Josh, tiningnan ko sya at nakangiti sya sakin.

"I love you"
Nakita ko binigkas ng kanyang bibig ngunit walang boses na lumabas.

Narinig ko ang mahihinang hagikgikan ng mga katulong namin, narinig ko din ang pag saway sa kanila ni Manang Sitas.

"Kayo talagang dalawa, doon kayo sa kusina madali!"

"Anak! Pano nangyari sa inyo? Maganda yan para sa kanya kana mapunta! Nako mabibigyan ako ng magandang apo nito! Kapag nagka anak kayo ng babae Andra ang ipangalan mo ha! Pangarap ko pa kasing magka anak ng babae at andra ang ipapangalan ko kaso ay hindi na nasundan pa si Aldrich." Tapos ay humagikgik pa.
Ngumuso ako. Itong nanay ko pano naging pinuno ng Oranisasyon ito?

"Ma! 19 years old palang ako. Nag aaral pa din kami ni Josh. Nakakahiya ka ma." Saway ko sa kanya.

"Oh eh ano naman? Sinabi ko bang ngayon na?"
Okay kahit kelan talaga barado ako dito.

Nag kwento ako kay Mommy, pero konti lang naman. Tapos ay tinulungan ko sya sa binake nyang cake.
Ako naman ay nag luto ng sweet spaghetti para kay Josh.

"Tawagin mo na sila Krisha, nang makakain nang makapag dinner na."

Utos ni Mommy na agad ko narin namang sinunod.
Si Aldrich ay nasa kanyang kwarto kasama ng mga kaklase nya. May sleep over nanaman. Si Trisha ay kasama nila Brix sa hideout.

Hawak ni Josh ang kamay ko sa ilalim nang lamesa. Kakatapos lang namin kumain at nag kukwentuhan nakang at nag uusap sa mga negosyo. Piniga piga ang kanyang kamay, kasabay ng lakas ng tibok na nangyayari ngayon sa puso ko.

Para kong nakakakita ng isang lion sa harapan ko. Isang amang Lion.

Pero nakangiti padin itong lokong si Josh.

"Kevin iho, kamusta ang mga inorder natin sa mga Villegas?"

"Okay napo Sir. Na deliver nadin ng mga Villegas ang mga bagong hasang patalim. Maging ang mga bagong armas. Mukang maayos naman silang kausap pagdating sa negosyo Sir.

Matatag na sabi ni Josh. Nararamdaman nya siguro ang kaba ko. Kaya naman tumingin sya sakin at ngumiti. Sinuklian ko naman iyon ng ngiti.

"Mabuti. Sana din maging ikaw ay maayos kausap. Alam kong pinaan mo si Zero. Sana ay hindi ka bumaligtad. Malaki at tiwala ko sayo hijo."

Ani Daddy sa matigas na pahayag.

"Yes Sir. Makakaasa po kayo. Hindi ko lolokohin. Ang anak nyo. Maging ang pamilyang ito. Mahal namahal ko po si Krisha Sir."
Ani Josh sabay tingin sa akin. Ngumit ito dahil nang pag wawala ng paru-paro sa aking tiyan.

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon