Chapter 1

2.5K 69 9
                                    

Chapter 1

"Hoy bakla abot mo sakin yan."

I pointed out the black tube dress, to my friend Brix.
"Ayoko nga." Pag iinarteng sagot ni Brix sa akin. Umirap pa ang best friend kong lalaki, pero ang puso ay babae.

We're now at the mall, doing shopping. Brix and I didn't go to school today. I'm sure Mommy will scold me when she finds out. Madalas ko na itong gawain kapag nababagot sa eskwela. Madalas din kaming nag aaway ni Mommy pag nalalaman nya.

"Wag mo kong simulan Brix ha. Kung ayaw mong isumbong kita kay Tito na bading ka." Natatawa ko pang pananakot sa kanya.

Inirapan muna nya ko saka dire-diretsong kinuha yung dress sabay balibag sakin dito sa loob ng Fitting room. Humalakhak pa ako para inisin sya.

"Thanks bakla" sigaw ko sa kanya.

"Welcome bitch! Nako! Kung hindi lang talaga kita kaibigan." Narinig ko pang sagot nya. Mabilis kong sinuot ang damit na inabot nya. Pinasadahan ko pa ng tingin ang sarili sa salamin bago lumabas ng fitting room.

"Ayokong makikitang kasama mo pa sya!"

"Tama na!"

Napalingon ako sa nag sisigaw sa labas ng store.

Pareho pa kami ni Brix na lumabas para maki isyoso. Nakita ko ang isang babae na hinahatak ang isang lalaki, mukang inaawat nya iyon.

May isang lalaki din na nakaupo sa sahig nitong mall. Magulo ang buhok habang inaayos ang malaking salamin na suot.
Ang magulo nyang buhok ay mahaba na hugis bao. Napasinghao ako nang may makita akong dugo sa gilid ng labi nya, mukang sinuntok ata nung lalaking hinihila ng babae kanina. Patuloy na inaayos nung Nerd na lalaki yung salamin nya habang nanginginig ang kamay.

I greeted my teeth. What the hell was happening here!?

"Hoy bitch anong nangyayari dun?." Brix asked.
Nilingon ko sya habang naiirita.

"Wag kang bobo parehas lang tayong magkasama sakin mo pa itatanong?"
Naiiritang sagot ko sa kanya.

"Pero kas-

"Shhh" pinatahimik ko na sya agad. At nilingon ang gumagawa ng scene ngayon dito sa mall.

"Tama na Drake! Ano ba!" Sigaw nung babae. Patuloy sa pag awat sa lalaki.
I watch them like a hawk. Sa tantya ko ay mga kasing edad lang namin sila.

"Bakit ba lagi mo tong kasama!" Galit na galit na sabi nung Drake.

"Utusan ko lang yan Drake ano ba! Anong akala mo sa akin? Magkakagusto sa lalaking panget! Mandiri ka nga Drake!" Sigaw nung babae sa kanya

"Krisha." Tawag ni Brix sa akin.

"Oh?" Sagot at hindi padin sya nililingon. Ang buong atensyon ko ay nasa tatlong gumagawa ngayon ng eksena. Naaaliw ako! Pakiramdam ko ay nanonood ako ng live action!

"You know what? I have a dare for you today." Maligaya nyang sabi.
Napabaling na ako sa kanya. Malaki ang kanyang ngiti sa akin at tumataas taas pa ang dalawa nyang kilay. Napakunot ang noo ko dahil sa asiwa sa pag mumuka nya. Hindi maganda ang kutob ko dito.

"What?" Naiirita kong tanong tapos ay binaling ulit ang tingin sa sa banda nila Drake.

"I dare you to help that nerd." Ngumiwi ako at nakataas ang isang kilay nang balingan ko ulit sya.

"And why would i do that? Anong mapapala ko pag tinulungan ko yan?" I asked curiously. Humalukipkip ako.

"Hmm,,let me see." Bagya pa syang nag isip.
"I will pay for all of that, if you help him." Sabay turo nya sa mga pinamili ko. Napangiti ako. I know that i can pay for it. Pero mas masaya kung libre. Wala din namang mawawala kung gawin ko ang dare nya.

Just The Way You Are [Gangster Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon