Chapter 3

92 3 0
                                    

TJ's POV

"Sayang naman, brad. Bibisita ka naman dito di'ba?" Malungkot ang boses na sambit ni Flint.

Kagaya nga nang sabi ni Inay ay maayos akong nagpaalam kay Flint. "Oo naman, brad. May makulit lang akong babantayan sa manila."

Ngumisi siya bigla. "Baka mamaya magiging jowa mo na yung makulit ha."

Umiling ako. "Hinding-hindi mangyayari yun. Hindi siya ang ideal girl ko sobrang ayoko sa mga tulad niya."

Mahina siyang tumawa. "Wag kang magsalita nang patapos, Brad. Baka kakainin mo 'yang mga sinasabi mo sa huli."

"Hindi nga mangyayari yan. Alam mo naman na yung kapatid mo yung crush ko di'ba?"

"Oo na. Teka, search kaya natin sa fb 'yang alaga ni Tita Tina. Ano nga pangalan nun?"

"Kitty ata yun pero palayaw niya lang yun. Serrano yung apelyido."

"Tunog big-time ang apelyido, brad."

"Sinabi mo pa kaya nga brat eh kasi laki sa layaw."

Tumawa siya. "Let's see kung maganda 'tong alaga nang Nanay mo." Nagsimula na siyang mag-tipa sa keyboard.

"Kitty Serrano." Maraming lumabas na ganung pangalan sa FB. Langya! Hahaha.

"Ano ba pangalan nun? Baka Katherine."

"Hindi. Katie Elisse Serrano. Yan yung full name niya."

"Naks! Hindi daw gusto pero alam full name."

Mahina ko siyang sinapak sa braso kaso tumawa lang ang gago. Ayun nga sinearch na namin yung account niya at may lumabas na isang account tapos may kulay blue na check sa gilid. Napadako ang tingin ko sa profile pic niya.

"Langya! Putangina! Yan kaganda inayawan mo?"

Nakatutok lang ako sa picture niya. "Na-inlove na ang gago!"

Kumurap ako at umiwas nang tingin. Shit! Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko? Picture pa nga lang eh. Bakit ba kasi ang sexy niya dun sa pic?

"Sanaol verified na ang account. Mukhang famous 'to ah at mukhang maldita saka straight." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Uy! Chill, brad!" Tumingin ulit ako dun sa profile pic niya. Damn! Ang ganda niya pero ekis pa din. Masama ugali eh.

Nakaramdam ako ng inis nang makita ang suot niya dun sa picture.  She's wearing a black bikini habang nakaupo sa dalampasigan.

"Ganda ng alaga ni Tita."

"Bratinella naman. Hindi ako mahuhulog diyan."

"Hindi mahuhulog pero natulala kanina." Tinulak ko siya kaso ang ungas tumawa lang. Nakita kong lumapit sa pwesto namin si Penny.

"Gago! I-back muna bago pa yan makita ni Crush."

Nakanguso siya at malungkot na lumapit sa akin. "Talaga 'bang aalis ka na?"

"Kailangan eh. Bibisita naman ako dito."

"Palagi tayong text ha. Mamimiss kita, Cutie." Ngumiti lang ako. Nabigla ako nang yumakap siya sa akin bigla.

"Oo naman. Mamimiss din kita, Crush."

Ngumiti siya at nakayakap pa rin siya akin. She's really a sweet person kaya ideal girl ko siya eh. Mahinhin, maganda, matalino, magaling magluto at masipag. Parang yung kanta ni Daniel Padilla na "nasa iyo na ang lahat".

"Ano ba yan! Namimiss na agad kita." Natawa ako sa sinabi niya.

"Pwede ka naman dumalaw sa manila di'ba?"

"Oo naman isasama ko si Kuya. Dun ka na din mag-aaral?" Tumango ako.

"Wag kang mahuhulog dun sa babantayan mo ha?"

"Ikaw lang yung crush ko di'ba? Kaya hindi ako mahuhulog dun."

Ngumiti siya at tumango. "Promise?"

"Promise."

~

"Baka bukas na ako makakapunta dun anak. Mag-ingat ka sa biyahe." Paalala ni Tatay.

"Sige Tay sasabihin ko kay Inay." Sinukbit ko na sa balikat ko ang backpack at binuhat ang isang traveling bag.

"Mag-ingat ka dun. Ibang klase mga tao dun sa papasukan 'mong school, nak."

"Alam ko, Tay. Kuta ng mga brat, mayayabang at ungas." Natawa siya sa sinabi ko.

"Hahaha sige na. Umalis ka na para hindi ka abutin ng gabi."

"Basta bukas susunod ka dun."

Tumango siya at tinapik ako sa balikat. " Oo nga. Namiss ko din kasi ang Nanay mo."

Ngumiti ako. "Sige, Tay. Alis na ako."

Tumango siya at hinatid ako sa labas. Nag-hintay lang ako nang masasakyang  pedicab. May dumating naman agad nagpaalam muna ako kay itay bago sumakay. Bumuntong hininga ako panibagong buhay naman kami dun sa manila. Nakarating na ako sa paradahan ng jeep. Nagbayad na ako at bumaba. Sana maging maayos ang buhay ko sa manila at sana wag masyadong sumakit ang ulo ko sa alagang brat ni inay. pakiramdam ko oras na tumuntong ako sa manila mababago na ang tahimik kong buhay.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon