Chapter 44

42 2 0
                                    

TJ'S POV

Nakakuyom ang kamay ko habang pinipigilan ko ang sarili kong wag siyang saktan. Nakayuko siya sa harap ko at pakiramdam ko nagpapaawa lang siya para makuha ang simpatya ko.

Hindi na ako magpapauto sa kanya. Nahuli na sila ng mga pulis, sa tulong na rin ng koneksyon ni Sir Eleazar.

Hindi nakaligtas sa galit ko si Carter kanina nung makita ko siya. Pasalamat siya pinigilan lang ako kanina mababasag ko talaga ang mukha ng hayop na yun. Kumukulo ang dugo ko sa galit tuwing naalala ko yung muntikan niyang pananamantala kay Kitty.

"Bakit mo nagawa yun? Akala ko bumait ka na pero nagkamali ako. Tinawagan pa kita ng gabing yun! Tapos malalaman ko ikaw pala ang mastermind sa pagkidnap sa kanya?!" Galit kong saad sa kanya.

"Napuno ako TJ and i can't control my demons. Sa sobrang inggit ko sa kanya nagawa ko yun and I'm so frustrated that time kasi pinuri na naman siya ng parents ko sa harap ko mismo! I'm so fucking mad to the point na hindi ko na iniisip ang mga consequences ng gagawin ko. I'm so sorry!" Umiling ako.

"Sinira mo ang tiwala ko. Maaring mapatawad kita sa ginawa mo sa babaeng mahal ko pero hinding-hindi na ulit kita kayang pagkatiwalaan." Huminga ako ng malalim saka walang paalam na umalis kahit pa narinig ko na umiiyak siya.

I will never justify her actions kahit ano'ng rason pa yan. Dapat nilang pagbayaran yung ginawa nila kay Kitty.

Umamin na rin si Desmond na pinagbabantaan sila nina Carter at Monica na wag magsumbong sa amin sa totoong maysala nung gabing yun. It was Monica's plan para siraan si Kitty sa akin, totoo pala yung sinabi ni Kitty na kinausap niya si Desmond na ititigil na nila ang plano at sumang-ayon naman sina Desmond pero hinarang daw siya ni Monica nung hapon ng araw na yun.

Kaya pala laging nakasunod sa amin si Desmond kasi gusto niya sabihin yung totoo. Walang nagawa ang mga pamilya nina Carter at Monica sa galit ni Sir Eleazar.

Pasalamat sila at walang nangyaring masama kay Kitty. My girl is tough, nagawa niyang makatakas nang hindi siya tinutulungan, mas pinairal niya ang isip kahit na natatakot siya and I'm so proud of her.

Lubos na nagpapasalamat si Sir Eleazar kay Flint dahil sa ginawa nitong bracelet na may tracking device. Kahit si Penny, proud na proud sa kuya niya.

"Anak, gusto mo ba magbakasyon muna sa San Esteban? Dalhin mo si Kitty para mawala sa isip niya ang nangyari." Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Nanay.

"Tatanungin ko po siya, nay." Humawak siya sa balikat ko.

"Kinabahan ako sa ginawa niyo ni Flint pero salamat naman at walang nangyaring masama sa inyo at nailigtas niyo pa si Kitty."

"Hindi pa rin ako lubos makapaniwala na magagawa ni Monica yun kay Kitty. Nagugustuhan ko pa naman siya sa'yo noon, anak." Bumuntong hininga ako.

"Lubos akong nagtiwala sa kanya pero eto lang pala ang igaganti niya sa lahat ng kabaitan na pinakita ko sa kanya. Nagawa ko pa siyang ipagtanggol kay Kitty noon."

"Pagbabayaran nila ang kasalanang ginawa nila sa presinto, anak. Sayang lang at bata pa sila pero sinira nila ang pangarap nila dahil sa inggit."

"Walang maidudulot na mabuti pag nagsabay ang galit at inggit. Sana darating ang panahon na magbabago sila."

Nagpaalam muna ako kay Nanay na pupuntahan ko si Kitty sa silid nito kanina pa kasi siya hindi lumalabas, baka iniisip na naman niya ang nangyari.

Kumatok muna ako pero walang sumasagot kaya pinihit ko ang door knob at binuksan ang pintuan. Wala siya sa silid niya at wala din siya terasa.

"Baby?" Kumatok ako sa CR niya kasi naka-lock. Mukhang naliligo kasi naririnig ko ang paglagaslas ng tubig sa shower niya.

"Malapit na ako matapos, wag kang lumabas." Napakamot na lang ako sa batok ko nung marinig ang sinabi niya.

Lalabas na kasi sana ako.

Naupo na lang ako sa couch niya habang nags-scroll sa phone ko sa TikTok. Nanunuod ako ng mga videos at saktong magagaling sumayaw na mga babae ang napanuod ko.

Mukhang hindi ko napansin na nakalabas na siya ng CR kasi bigla na lang ako nito binato ng towel niya, nasa likuran na pala siya at masama ang tingin sa akin.

"Seriously? You're watching that unholy videos here in my room?!" Sh*t! Kasalanan 'to ng tiktok eh.

"Wala naman yun eh nanunuod lang naman ako. Walang ibig sabihin yun." Lumapit ako sa kanya na nakasimangot pa rin.

"I hate you!" Nagtatampong saad nito saka ako inirapan. Tinalikuran niya ako saka bumubulong.

"I don't know how to dance." Narinig kong bulong niya. Niyakap ko siya sa likuran.

"Wala lang talaga yun promise. Kahit naman hindi ka marunong sumayaw, wala pa rin naman silang panama sa'yo." Umiwas siya ng tingin. She's wearing her nude color satin robe.

Ang hot niya talaga pag yan ang sinusuot niya.

"You're forgiven. Anyway, alam ko na dinalaw mo si Monica sa presinto."

"Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa'yo. I already punch Carter for you. Gustong-gusto ko silang saktan dahil sa ginawa nila sa'yo pero nagpigil ako kasi alam ko magdudusa sila sa loob ng presinto." Yumakap siya sa akin.

"Natatakot pa rin ako everytime na naalala ko ang pagdukot sa akin. Napapanaginipan ko yun." Hinaplos ko ang likod niya.

"Pero nilalabanan ko ung takot."

"And, I'm so proud of you, baby." I kiss her forehead.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon