Chapter 15

54 2 0
                                    

Kitty's POV

Nakakainis ang TJ na yun at wag na kayo magtanong kung bakit ako naiinis. Nasa school na kami ngayon at agad akong nilapitan ng mga kaibigan ko mukhang alam na nila ang nangyari kahapon sa office.

"How are you?" Nag-aalalang bati ni Crystal sa akin.

"I'm fine now pero gusto ko pa rin managot kung sino ang may gawa nun." Thank God! Hindi naman bumalik pa ang takot ko pero kailangan pa rin managot ng taong yun.

There's only one person ang kilala kong may galit talaga sa akin. Si Monica! That bitch! Akala niya siguro maiisahan niya ako. Never mess up with me Arevalo!

"Mukhang may lihim na galit talaga sa'yo ang taong yun, Girl. Padalhan ka ba naman ng patay na pusa." Sambit pa ni Phoebe

"Oras na malaman ko kung sino ang taong yun. Ipapahiya ko talaga siya sa campus."

"Isn't it weird? Knowing na elite school ito tapos nakapasok yun?" Napaisip ako sa sinabi ni Cassidy.

"Oo nga. Mukhang kilalang tao yung may galit sa'yo."

"Or, baka dito din nag-aaral." Umusbong ang galit sa dibdib ko.

"At, Isa lang ang taong alam kong may galit sa akin."

"Si Monica?" Tumango ako.

"Possible? Pero wala naman tayong enough proof." Umiling ako saka humalukipkip habang nakatitig kay TJ na papalapit sa pwesto namin.

"Hi, Jae." Tawag sa kanya ni Cassidy at ngumiti naman siya. Ang harot!

"Bakit mo naman ako iniwan? Tss!" Bulong niya sa akin pagkalapit.

Hindi ko siya pinansin naiinis pa rin ako sa kanya hmp! Lumayo ako sa kanya hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit naiinis ako sa kanya. Gosh! Infact wala naman akong karapatan mainis o magalit pero kasi nagtatrabaho siya sa amin pero iba inaatupag niya. Hmp!

"Mukhang na-badtrip lalo dahil sa pagdating mo, TJ." Napakamot na lang siya sa batok.

Nakita ko si Carter na papalapit dito kaya agad na akong lumapit sa kanya. "Hey! I heard what happened. Are you okay?"

Tumango ako saka kinawit ang kamay ko sa braso niya. "Yes, I'm fine. Tara punta na tayong classroom?"

"Yeah sure." Lumingon ako sa mga kaibigan ko at hindi ko na pinansin si TJ na seryosong nakatayo sa tabi ni Cassidy.

"Mauna na kami guys. Kita na lang tayo sa classroom." Tumango sila at parang kinikilig pa.

Lumakad na kami ni Carter. "I'm sorry! Masyadong na-busy lang sa practice kaya hindi na ako nakakalapit sa'yo."

"Don't mind it. I truly understand that you're busy." Ngumiti siya na siyang nagpalabas ng beloy nito sa kaliwang pisngi.

"Thank you! Btw, may I invite you for dinner later? Darating kasi si Mom and she really wants to meet you."

"Yeah. Sure! Sunduin mo lang ako mamaya." Ngumiti ako sa kanya. Bakit ganito? Dati kinikilig na ako pag nginingitian ako ni Carter pero bakit naiinis na ako ngayon? Wala na akong maramdaman sa kanya.

"Are you okay? Natahimik ka." Napuna niya siguro pananahimik ko kaya agad akong umiling.

"I'm fine." Alibi ko na lang pero iniisip ko talaga si TJ ngayon. Arrrghh! Magkasama sila ngayon ni Cassidy eh baka naglalandian na sila dun.

"Hi, Miss Kitty! Nabalitaan namin ang nangyari. Sabihan mo lang kami kung sino ang may gawa at kami na ang bahala." Bigla kaming hinarang ni Desmond na kasama ang mga kaibigan niya. Kilala siyang basagulero dito at marami ang natatakot sa grupo niya.

Naisip ko si Monica. Siya ang may kagagawan nun sa akin wala man enough proof. I really hate her!

"Thank you! Si Monica siya ang may gawa nun." Ngumisi sila.

"Ano gusto mong gawin namin sa kanya?"

"Just don't hurt her. Takutin niyo lang."

"Pag may makialam idamay niyo na rin." Sabat pa ni Carter.

"Makakaasa kayo sa amin. Wag kang mag-alala mawawalan ka na ng kaaway, Miss Kitty."

Tipid na lang akong ngumiti saka tumango. "Basta walang masasaktan ha. Takutin niyo lang."

Tumango sila at nagpaalam na. Nagpatuloy kami sa paglakad ni Carter.

"Dapat sa kanya sinasaktan eh! Kita mo na yung epekto sa'yo? Natakot ka, Kitty."

"I know pero ayokong mauwi sa dahas o violence ang paghihiganti sa kanya. Gusto ko lang tigilan na niya ako."

Nakarating na kami sa room saka umupo na kami sa upuan namin.

"Musta pag-uusap niyo girl? At bakit natagalan ata kayo? Nauna pa kaming dumating dito." Sasagot na sana ako nang pumasok na ang prof namin kaya sumenyas na lang ako na mamaya na mag-usap.

Natapos lang ang klase pero hindi ko talaga kinausap si TJ naiinis ako eh.

"Wag mo na akong samahan sa kotse. Gusto ko mapag-isa." Hinarap ko na siya nang papasok na sana siya.

"Pero hindi pwede. Trabaho ko ito."

"No! Nandiyan naman si Manong for me at kung iniisip mo si Dad ako na ang bahala."

"Ano ba nagawa ko? Bakit kung makalayo ka sa akin parang may sakit ako?" Tumawa ako ng pagak sa kanya.

"Wala kang nagawa and you're just my bodyguard." Naging seryoso ang ekspresyon nito.

"Tss! Sige bahala ka." Pagkasabi niya nun bigla na lang siyang tumalikod at umalis.

Padabog akong sumandal. Gosh! I hate this day. Sana matuto na ang Monica na yun sa gagawin nina Desmond.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon